Nakakalungkot..

Wala ako malabasan ng sakit or sama ng loob. Siguro may mali ako.. Ganto kasi mga mumsh.. Na admit ako last june 13 due to Hypertension, kasi nag 200/110 ang BP ko and im 7 mos preggy.. To be honest, Naubos ang ipon namin ni Hubby.. Kasi na admit ako sa Private Hospital, 2days lang kami sa Hospital pero 20k na agad nagastos namin... And then eto na nga, wala pa kami nabibili na mga gamit ni baby like newborn clothes, Pero actually nag order na kami sa Online, Dumating ung Package right after ko madischarge sa Hospital, so walang wala na talaga kaming pera kasi worth 2k din ung Inorder namin, So ang ginawa namin Pinacancel nalang muna namin... Which is nakakahiya sa seller kaso wala naman kami magagawa.. So eto na nga, Sinabe ko yun sa mommy ko thru chat na kesyo nag order kami kaso pina cancel kasi naubos pera namin (nasa laguna kasi mom ko, Live in na kami ni hubby) Ang reply ni mommy, "Hala pano ba yan" Tapos nabasa ng Hubby ko yun... Galit na Galit sya sakin, D daw ako nag iisip.. Ang bobo ko daw.. Kaya daw kami nag kakanda hirap hirap kasi ang bobo ko daw di daw ako nag iisip.. Kung nahihirapan raw ako dito edi umuwi nalang ako samin.. then paulit ulit sya Ambobo ko daw pinapahiya ko daw sya sa magulang ko... Nahurt ako kasi pag nagagalit sya lagi nya ako sinasabihan ng Bobo, walang utak ganun.. Syempre buntis ako, Tapos kaka discharge ko lang sa hosp feeling ko pabigat na ako dito kasi super Bed rest ang advice ng doctor sakin tapos ganun ssbhn sakin.. siguro nga na offend sya na sinabe ko pa sa mama ko ung ganon pero do i deserved sabihan ng Bobo, walang utak. Palagi ako nassktan everytime na sinasabihan nya ako ng ganon.. Naiiyak nalang ako.. Pinipigilan ko nalang.. Fathers day pa naman ngayon kaso panira daw ako ng araw... D ko alam, naiiyak nalang ako.. 😞

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

grabi naman yan momsh!! masama na ba talaga mag sabi ng problema sa magulang?? ganun ka big deal to the point na pag sasabihan ka ng ganyan, next time momsh na pag sabihan ka nya na bobo,sagutin mo!! sabihin mo, cguro nga bobo ako kc nag pabuntis ako at tinitiis ko yang pangungutya mo... tingnan ko lang kung d yan matauhan!

Magbasa pa

Di ko alam, pero na fefeel ko na habang nagttype ka tumutulo luha mo. Magpakatagtag ka isipin mo nalang si Baby kahit alam kung mahirap. Pray ka lang iiyak mo lahat ng sama ng loob mo kay God tapos magpahinga ka. Mag isip ka nalang kung ano maganda gawin or kausapin mo si Hubby! God Bless you. Sending Hugs! Kaya mo yan!

Magbasa pa

naku sarap tampalin ng ganyang tao sis! sabihin mo sa kanya di mo nman ginusto na maospital ka at mag bayad ng ganong kalaking bill.. saka ano masama kung nag sabi ka sa nanay mo eh nanay mo nman yun, sabhin mo sa asawa mo sya kamo mag buntis! sya nlng manganak! pag sinabihan ka ult ng ganon sampalin mo na ng matauhan..

Magbasa pa

you have to tell your partner about your feelings. he needs to understand na verbal abuse ginagawa nya and may right ka na magsabi sa parents mo kung ano nangyayari sayo dahil anak ka nila. kelangan maunawaan yan ng partner mo. di rin nyo ikakaunlad ang ego nya kamo

It's his ego talking. My husband even guides me na magpaturo maigi sa mother and mother-in-law ko lalo na about sa pagiging asawa and pregnancy. Walang dapat ikahiya humingi ng help, support or guidance sa magulang. It is their lifelong role.

Be strong momsh Siguro stress na din si partner mo pero hindi ka dapat itreat ng ganyan kase ur pregnant at alam nya hindi maganda sa isang buntis mastress makakaraos kadin momsh in jesus name. always think possitive. 😉😇

sana inintindi ka nalang nya sa kalagayan mo, sya yata ang bobo kung makapag salita, kung ako siguro yan umuwi na ako sa parents ko, hindi ako magtitiis sa lalaking walang respeto sa babae. Sila talaga yung totoong bobo

Anong issue dun kung sinabi mo sa mama mo about sa pera. Malay mo naman matulongan kayo ni mama mo. edi embis na magpasalamat pa sya sinabihan ka pa nyang bobo at walang utak. anong klaseng asawa yan!

Kung ako yan nasuntok ko siguro sa inis. Kung malapit ka lang sana sa lugar ko madami ako extra clothes for NB. Taga saan ka ba sis? Para bago lumabas baby mo meron ka na kahit papano.

Dapat inintindi kapa niya sa sitwasyon mo which is kakagaling molang ma discharge then, kumbaga naghanap kalang ng comfort sa mommy mo na parang ang hirap ibigay ng asawa mo. Hayys