TOXIC PARENTS
Valid ba yung nararamdaman kong pagkadismaya at pagkalungkot about sa nangyayari samin ng magulang ko? May karapatan ba akong magalit sa kanila dahil sa masasakit at masasama nilang sinabi at sinasabi sa akin? Sa mga nakaexperience ng hindi muna agad nakapag bukod dahil kinapos sa budget, ang hirap no? Pero what did I do to deserve this? Kung never ko naman silang pinabayaan? Simula nung nabuntis ako dito na ako nakatira una dahil sa ayaw nilang mag bukod kami ng asawa ko dahil gusto nilang makatipid tipid muna kamj sa gastusin kaya shoulder nila muna daw ako. Pumayag naman ako dahil kahit di naman yun ang totoong rason kung bakit ayaw nila akong pagbukorin inisip ko nalang rin na kapag umalis ako sinong mag aalaga sa kanila? Kaya naisipan kong mag stay. Lumipas, nanganak na ako pero asawa ko na ang nag bayad ng gastusin sa ospital dito parin ako sa bahay ng magulang ko nag stay pero hindi rin ako nag tagal umalis rin ako dahil kailangan ko ng kaagapay sa pag alaga sa anak ko na hindi kayamg ibigay ng nanay ko. Kaya wala na akong choice kung hindi isipin muna ang sarili ko at anak ko hindi naging madali pero kinaya ko nalang. Pagkaraan ng 6 months, bumalik na kami dito sa parents ko dahil na rin gusto na nila akong umuwi. Hindi dahil sa gusto nilang makita ang anak ko kung hindi dahil sa walang nag aasikaso sa kanila. Pagkauwi namin ng anak ko dito samin, walang binat binat kayod buto agad. Linis dito, linis don. Laba dito laba doon. Naging palamunin ako at doon na nag simula na makarinig ako na mga negatibong komento galing sa kanila at sa iba pa naming kamaganak. Aaminin ko, negatibo nanga ang sinasabi masasakit pa. Simula umpisa hanggang ngayon walang masamang pinakigta ang asawa ko sa kanila kung hindi kabutihan pero sila halos sirain na nila ang pamilya namin para lang mag hiwalay kami ng asawa ko dahil sa hindi lang sapat ang sinasahod ng asawa ko. Hindi lang yun, pinag bintangan pa nila ang asawa ko na mag nanakaw daw ang asawa ko dahil ninakaw daw ng asawa ko ang wallet ng tatay ko na may laman na 10,000 :(( sobrang nag breakdown ako. Kaya lang naman pumasok sa kwarto nila ang asawa ko para mag kiss sa anak namin na nakitulog sa kwarto nila dahil aalis na asawa ko pupunta na ng trabaho. Nung oras na yun, nakatataknsa isip nila na nag nanakaw ang asawa ko sa kanila. Hanggang sa hinanap ko ang wallet at nakita ko lang sa loob ng shoulder bag ng nanay ko. β Wala silang balak mag sorry alam ko napilitan lang ang tatay ko ma sobrang pag kataas taas ng pride. Simula noon, nawalan na ako ng gana sa kanila at parang di na ganun kataas ang respeto ko. Maraming tanong sa isipan ko. Bakit kailangan nilang gawin to samin ng pamilya ko?? Pinag sabi pa nila sa ibang tao na mag nanakaw ang asawa ko. Hindi lang image ng asawa ko ang nasira pati rin ang sarili ko :( sobrang breakdown talaga ako noon habang nadaan ako sa matinding PPD noon. β Ngayon naman may pakulo nanaman sila. Dahil sa pandemic naging irregular ang sahod ng asawa ko kaya di kami ganun kadalas makapag bigay sa kanila. Maliit pero nakakasurvive naman minsan nga wala pang pangbigay. Dahil bukod sa kapos talaga ang haba ng buwan na lockdown at paminsan di pa sila pinapapasok kaya wala masyadong sahod. β ngayon naman nagagalit nanaman sila dahil wala nanaman akong pera o hindi nanaman ako nakakatulong sa kanila kaya sinabi nila na niloloko daw ako ng asawa ko. Ang hindi nila alam talagang mababa ang sahod ng asawa ko. At buo na ang isip ko na umalis nalang muna dito. Masyado na akong nasstress sa kanila dahil hindi ko na sila maintindihan minsan may pag kakataon na ok naman sila minsan naman sabik sila sa pera minsan gagawa sila ng paraan para bigyan sila ng pera ng mga kapatid ko. Sa tingin niyo tama ba ang gagawin ko na umalis nalamg dito aa bahay na to? O kailangan ko pang mag tiis?


