What to do?
May hindi po kami pagkakaintindihan ng asawa ko, ngayon po umalis po ako ng bahay nila ng hindi nagpapaalam at umuwi po sa amin. Ney hindi man lang po ako hinabol ng asawa ko. Ngayon kada mag-aaway kami sinasabi agad niya sa magulang niya ng hindi naman nila alam ung rason. Okay na po kami ng asawa ko ngayon gusto na niya ako iuwi kaso ayaw po ng tatay niya. Tama po ba yung ginagawa nila? Opo bastos ako sa part na di nagpapaalam pero nagagawa ko lang po un dahil sa galit ko sa asawa ko. Palagi nalang akong nagmumukhang masama sa paningin nila eh hindi nila alam pinagdadaanan ko. 7 months pregnant po ako at napaka-sensitive at moody ko po ngayon. Ano po ba pwede ko gawin? Hayaan ko nalang ba sila? 4 na araw na po kaming di magkatabi matulog ng asawa ko. Pero pinapasyalan naman po niya ako bago umuwi sa bahay nila. Help naman po. Salamat.