Experience on Vaginal suppository?

Vaginal suppository, who among you po ang naganito na? Im currently on my 5th month na and having high risk pregnancy. Yun nga lang 70 pesos isa and i have to have that twice a day until the end of my pregnancy since my cervix is thin. In addition pa ang other supplements na need ko mejo costly talaga. How do you cope up with this mommies?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here. Partner ko lahat sumasagot sa gamot. Actually, salitan sila ng parents ko para hindi mabigat. High-risk rin ako at nahospital na rin dahil sa sobrang selan. Kapag nandyan ka pa sa part na puro gastos at pakiramdam mo wala kang maiambag, isipin mo palagi na ikaw lang ang meron si baby sa ngayon. Kaya wag na wag kang manghihinayang sa gamot at wag ka rin mag-alangan na humingi ng tulong sa partner at magulang mo. I promise you, lilipas ang mga buwan at ikaw mismo ang magpapasalamat sa sarili mo dahil hindi mo pinabayaan ang baby mo. I'm currently at 25 weeks, hindi na gaano ka-selan, pero inaatake pa rin ng preterm labor from time to time. Lakasan mo loob mo para sa baby. Ikaw lang ang meron sya. 😊

Magbasa pa