Chemical pregnancy

My urine and blood are positive for pregnancy. But the ultrasound technician said my baby is under develop. Iam now pregnant for 5weeks..im really scared.. i dont know what to do or think.. im scared that i will loss my baby..

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako din po, positive sa urine and blood nagpaTVS ako wala pa makita sabi ng nag ultrasound baka too early pa. niresetahan ako ng OB ko ng pampakapit at folic acid. Positive thinking lang miiii 🥰 after 3 weeks pinapabalik ulit ako ng OB for TVS and im hoping na magpakita na si Baby 🥰🥰

6weeks and 4days ako nung na tvs ng ob-sono ko, may embryo na and may heart beat na rin. Wait ka nlng din po ng another 2weeks and try mo po patvs sa OB-Sono po talaga or other OBYgne Clinic. Now Im on my 8months na po 33 weeks and 2days. 💛🙏🏻 Keep positive mami.

Parang masyado pang maaga sabihin para underdevelop since 5weeks palang. Minsan nga wala pa talagang nakikita na baby sa 5 weeks kasi too early pa, swertihan nalang kung may makita na agad sa 5 weeks. Try again nalang mag-pa-ultrasound sa OB-SONO talaga mamsh.

3mo ago

Yes po, though sa akin nakita @5w3d pero swertehan lang kasi sabi ng OB baka hindi makita kasi too early talaga ang 5 weeks, sinabi niya agad before ako i-TVS para hindi masyado mag-expect.

VIP Member

Under develop? I don't think so mi. Nung around 4-5wks ko wala pa nakita sakin. 6wks sac palang. 8wks na nakita si baby at heartbeat nya. Wag magpaka stress at wag mag worry. Too early pa kaya hindi pa nakikita si baby.

Mababa po ba ung HCG level sa blood test? Check with an OB. Ultrasound technician shouldn’t interpret the uts, unless OB-Sonologist mo sya.

Nung 5weeks ko, may sac and embryo na. Fetus na daw sabe ni oby ko pero wala pa heartbeat. 6weeks and 2days nadetect na may HB na si bb ko.

don't think negative when it comes to your baby. isipin mo na lang na my isang malaking blessing ang darating after nine months

TapFluencer

Wag po kayong mag-panic. Nung nagpa-TVS din ako, 5 weeks yolk sac pa lang. Balik po kayo after 2 weeks.

hi po mamsh, sa OB-sonologist po kayo magpatingin. minsan po kasi ang technician kulang nakikita.

Masyado pa po maaga. Repeat tvs ka sguro after 2 weeks para macheck if may heartbeat na.