Naiirita ako. Kelangan ko lang isabog to. Pasensya na

Una bukod kami. Pag nasa bahay ang byenan or napasyal kami sa kanila ang problema. Miss Know it all talaga! Lahat nalang may nasasabi sya sa kung paano ko alagaan ang baby ko. Sa paghawak, sa pagpapaligo, sa kung ano pwede nya kainin. Mga momsh, 7mos palang anak mo gusto nya pakainin ng mga kinakain natin (syempre may seasonings yan) gusto nya ipatikim pati mga citrus, taba ng baboy, kung ano ano pa. Pag sinabi ko di pa pwede sasabihin bakit daw ginagawa naman nya daw noon yun sa mga anak nya naging ok naman daw sila. Pati si mama ko nakakahalata kasi byenan ko opinyon lang nya ang tama, opinyon namin lalo na ako di nila pinapansin. Sinabi ko talaga sa asawa ko, sobrang sama ng loob ko sa kanila, dahil ba ftm ako di na nila papakinggan pinagsasabi ko, parang ganun kasi ginagawa nila, minsan pati ate nya ganun. Mabait sila, oo, pero masyado sila nakikialam sa kung paano ko alagaan ang bata. Yung tiping akala mo sila lang marunong mag alaga sa bata. Alam ko inaalagaan nila anak ko pero alam ko din sa sarili ko na iba pa rin kung paano mag alaga ang nanay. Ang nakakasama ng loob pag sa iba nanggaling yung opinyon ko na di nila sinang ayunan, akala mo kung maka oo sila sa sinasabi ng iba sa kanilang idea yun when in fact may nasabi sila sa opinyon ko na opinyon din ng iba. Pinapalabas at pinaparamdam nila na mas may alam sila saken.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku! Sis..same situation..lahat din pinakikialam ng byenan ko ang lhat ng ginagawa ko sa mga anak ko...pero thankful p din ako..kz sa work ko..nanjan sya pra alagaan ang mga anak ko...pero mas happy ako...kz nakabukod n kmi...d n nia me madalas pinakikialaman...

Ako din nung una, dami pinagbabawal sakin kahit matulog wag daw palagi. Eh, hindi ko kaya yung antok lalo na pag puyat ako, hindi ako nakinig kaya ayon wala namang sinasabi.

Your baby, your rules...ikaw ang nanay... marami kasi mga ginagawa noon na hindi na pwede ngayon diba...maraming ganyan...pero dpt ikaw pa rin masunod...

VIP Member

Kung kaya mo ma, pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Basta ikaw gawin mo alam mong tama. Mother knows best.