32 Replies

Simula buntis ako hanggang 34 weeks lang ako nakaangkas sa asawa ko pero paside ang upo. Nakita kase kami ng doctor sa hospital na nakaangkas ako napagalitan asawa ko kase bawal na daw baka maputukan pa dw ako panubigan. O wag naman sana maaksidente halimbawa. Delikado daw po tlga kahit ingat at dahan dahan ka, marami parin sa kalsada bara bara din magmaneho. Madadamay pa kayo. 37 weeks nako ngayon at taxi nalang kahit mahal para safe nadin kame ni baby.

myth lng po yun .. ako 38weeks na ko tom.. simula nabuntis angkas din ako sa asawa ko pag nagpapacheck up lalo na nung wala masakyan nuon.. pero kahit may mga transpo na mas comportable ako sa motor ng asawa ko, big bike din yun .. nag iingat naman kami pag nasa kalsada na.. sa awa ng Diyos okay naman ako at ang baby ko .. inaantay na lang lumabas ..

Wla nmang mkkapagsabi kng masama ang mhalaga ay may ksmang pag iingat pro the more na gnagwa mu ang pag angkas khit papanu meron pa rng risk na posibleng mangyre. Lalo na pag nka encounter ng aksidente syempre nde nman ntin yon gusto dba. Kya dpat mag ingat lng palagi

VIP Member

same sis lage dn ako nakaangkas sa motor.ganun dn situation nakabukaka pag nakaupo.pero nung nagpa checkup ako sa doc sinabihan nya ako pahinga muna kc mababa dw c bb,bnigyan dn ako ng pampakapit cguro natagtag ung tyan ko kc halos araw araw bumabyahe.

Dpat po nka pa side ka mommy ksi kpag bukaka un tag tag po ksi may possible msaktan si baby sa loob di nmn po nkalalake kpag nahahanginan ang pwerta mas nka kalake ng bata ang pag inom ng malamig or pagkain ng sobra ng tamis

Pwede nmn po umangkas sa motor, basta side ang pa upo sabe ni ob at dahan dahan lang sa pag paandar ni hubby, ako kc simuka ng nabuntis sa motor lang umaangkas para mag pacheck up kesa sa mga tricycle na bara2 mag maneho

VIP Member

Ako Momsh until manganak po ako naka-angkas pa din po sa motor ni hubby pag check up ko po. From General Trias, Cavite po kami tapos sa Perpetual Las Piñas po check up ko po. Pa-side lang po upo ko po sa Aerox po namin

saken sis mula unang pagbubuntis hanggang manganak pabukaka ako umupo. ok nman si baby. 5 months na sya ngaun pero magingat ka pa din mamshh kasi di lahat .. e safe kinakalabasan.

ako nakapanganak na sa motor lang ng asawa ko lagi nakaangkas big bike din yun mas smooth nga e, kase maingat lalo magdrive asawa ko, okay naman baby ko ngayon🙂

VIP Member

Safe po si baby momsh, protected by amniotic fluid and sac. Dahan dahal lang si hubby sa pagmamaneho at better kung pwede paside nalang po sana kayo sumakay.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles