Ayaw dumede ni baby

Two months old po si baby turning three months na po. Formula fed po si baby. Bigla na lang po sya humina dumede from 4 oz ngayon 2 oz na lang dinedede nya yung another 2 oz uubusin nya pero after 30 mins to 1 hour pa. Sobrang nakaka worry mga mi. Hindi naman sya kabag. May phase din ba si baby nyo between 2-3 months na bigla na lang humina dumede? Patulong naman mga mi thank you

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes po, ganyan si lo ko pagpasok nya ng 2months, namayat sya, bigla nalang humina dumede, nagtry na kmi ibang milk, teats pero wla prin.. parang 3weeks din po syang ganon.. pero ngayon magana na ulit.. nakakaubos na sya ng 4oz sa isang dedehan lang

3mo ago

ang ginagawa ko momsh kpag tulog sya tsaka ko padedein.. dumedede po sya, tuma-timing po, mahirap pero nalagpasan din. ok na sya dumede ngayon..

ganyan daw po mi yung growth spur na tinatawag, yung biglaang pagtakaw ni baby tas tataas ang timbang nya, darating talaga yung time na hihina sya dumede para yung timbang nya ay umakma sa edad nya.

ung baby ko din po 2 months galing po sha sa amoeba humina sya dumede nasusuka sya sa dede pero nung nag ka amoeba sha ang lakas naman nya dumede all one ten gatas nya

ganun din po ang baby ko ngayon simula nag two months sya humina na dumede dati every two hours or wla pa nahingi na ngayon d p nya maubos 2oz formula fed din po sya

pcheck mo sq pedia mi pra mbigyn k ng vitamins for appetite. c bby ko pure breastmilk sometimes mhina sya dumede pero unli latch sya skin