He's turning 21 this year and I'm 23 years old di kami nagsasama kahit may anak na kami kase magkapitbahay lang naman kami pinupunta puntahan lang niya kami sa bahay ayaw din kase Ng parents niya na magsama kami at nag-aaral pa siya working student siya at nakadepende pa din siya sa nanay niya lahat ng utos ng nanay niya sinusunod niya Wala siyang sariling desisyon kahit sarili pa niyang pera yon kailangan bigay sa nanay. At ang nakakainis pa puro laro at gala siya di man lang makapag-alaga sa anak si mama ang katulong ko lagi sa pag-aalaga kahit nung buntis pa ko. Ngayon hinahayaan na ko ni mama mag-alaga para matuto ako. Lagi akong puyat at pagod tapos nalilipasan ng kain. Nagrereklamo na ko sa asawa ko pero balewala lang sa kanya ganun pa din siya. Nagagawa niyang magpuyat kalalaro pero sa anak niya Hindi. Pati pag nandiyan mga barkada niya mas inuuna niya yon kesa samin ng anak niya puro inom at yosi din siya. Pupunta lang pati sa bahay pag gusto niya di man lang niya ko matulungan kahit sa paglalaba ng damit ng anak namin sobrang tamad niya talaga. Di man Lang siya magpagsabihan ng nanay niya. Nakakainis na talaga di ko na alam gagawin Pahingi naman po ng konting advice. TIA