Tumutulong ba si mister sa mga gawaing bahay?
Voice your Opinion
Oo, kusa niyang ginagawa
Oo, kapag sinasabihan ko siya
Hindi

10119 responses

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually, ayaw nyang uuwi syang mkikita nyang malinis ang bahay because ibig sabihin daw nun, pagod ako. He wants me to relax he wants me to rest kahit 10 mos na ko nkkpanganak. I remember once, umuwi sya from work malinis buong bahay, malinis si baby at ang dumi dumi ko. Umiyak sya, nagsosorry na wala daw sya para tulungan ako. Ngayon, nililinis ko buong bahay bago sya umuwi at sinasabi ko nalang na malinis naman talaga maghapon kaya di ako pagod. Gusto nya sya ang magalaga kay baby sa gabi. Sya babangon para magpa dede. Sobra daw pinagdaanan ko sa loob ng isang taon simula nung nabuntis ako kaya dapat daw magpahinga lang ako. Babangon sya ng umagang umaga para hugasan mga bote ni baby pero ending, naguunahan kami magising kung sino mauuna magaasikaso. Npka bait ng husband ko sobrang thankful ako. Never nambabae, never ako napagbuhatan ng kamay o nasigawan, never lumabas para maginom (sa bahay nalang daw shot kaming dalawa), walang hilig sa sugal at di nagyoyosi (vape lang 🤪). Never din syang nagalit about sa sex life namin. To be honest, sa loob ng 10 mos, limang beses plang may nangyayari samin after ko manganak pero ni minsan di nya ko pinilit. di sya nagalit. Naiintindihan nya na dpa ko ready. Naiintindihan nya. Ready syang magantay kung kelan ako ready. “We have forever so no rush.” Yan sabi nya. Sorry kung parang mayabang ako pero mommies sana maintindihan nyo na kada may pagkakataon akong ipagsigawan at ikwento sa mundo gano kabait asawa ko, gagawin ko. 🥰

Magbasa pa
Post reply image