10102 responses
Actually, ayaw nyang uuwi syang mkikita nyang malinis ang bahay because ibig sabihin daw nun, pagod ako. He wants me to relax he wants me to rest kahit 10 mos na ko nkkpanganak. I remember once, umuwi sya from work malinis buong bahay, malinis si baby at ang dumi dumi ko. Umiyak sya, nagsosorry na wala daw sya para tulungan ako. Ngayon, nililinis ko buong bahay bago sya umuwi at sinasabi ko nalang na malinis naman talaga maghapon kaya di ako pagod. Gusto nya sya ang magalaga kay baby sa gabi. Sya babangon para magpa dede. Sobra daw pinagdaanan ko sa loob ng isang taon simula nung nabuntis ako kaya dapat daw magpahinga lang ako. Babangon sya ng umagang umaga para hugasan mga bote ni baby pero ending, naguunahan kami magising kung sino mauuna magaasikaso. Npka bait ng husband ko sobrang thankful ako. Never nambabae, never ako napagbuhatan ng kamay o nasigawan, never lumabas para maginom (sa bahay nalang daw shot kaming dalawa), walang hilig sa sugal at di nagyoyosi (vape lang 🤪). Never din syang nagalit about sa sex life namin. To be honest, sa loob ng 10 mos, limang beses plang may nangyayari samin after ko manganak pero ni minsan di nya ko pinilit. di sya nagalit. Naiintindihan nya na dpa ko ready. Naiintindihan nya. Ready syang magantay kung kelan ako ready. “We have forever so no rush.” Yan sabi nya. Sorry kung parang mayabang ako pero mommies sana maintindihan nyo na kada may pagkakataon akong ipagsigawan at ikwento sa mundo gano kabait asawa ko, gagawin ko. 🥰
Magbasa paPampered ako ng nanay ko kaya fear ko talaga nung kinasal kami ni hubby kasi alam ko need konna magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Focus kasi ako sa pag aaral noon kaya di ako pinapagawa ng gawain bahay ng parents ko kaya kahit magsaing takot ako. Kaya sobrang thankful ko sa husband ko kasi sya lahat gumagawa nung bagong kasal kami. Nagulat ako one time, ginising nya ko prepared n lahat, breakfast, coffee, nakapaglimis na ng bahay pati labas nagwalis na. Ginising na lang nya ako para kumain at maligo at magready na for office. Naiyak talaga ako that day. Hehe pero ngyon andami ko na natutunan. Sa 2 years naming kasal, tinuruan nya ko magluto hehe. Tulong din kami sa pag wash ng dishes at paglinis ng bahay. Pero mas madalas sa kanya pa din ang bigger weight ng trabaho hehehe
Magbasa paYes. Sobrang sipag ng asawa ko. Siya naglalaba, siya din taga-luto ko. Ang work niya lang is nagtitinda sa business nila, sa karinderya so lagi siyang half day kaya natutulungan niya ko after niya sa work. Minsan siya nagbabantay sa mga kids and nagpapa ligo lalo na pag di pa ako tapos magpack sa mga shipments sa shopee. Everyday kasi lagi akong may mga shiniship na items. Siya din taga deliver and meet up ko sa mga buyers ko haha. Lagi kami nagtutulungan. Para makaipon in the future. 😊 Proud full time mom and Online seller here. 😊
Magbasa pa101%kahit diko siya pag sabihan gagawin niya..gusto niya lagi ako nagpapahinga pag masama pakiramdam ko kahit pagloto ko ayaw niya gusto niya lahat siya gagawa non kaya love na love ko ung Asawa ko napaka Alagain asawa at ama sa mga anak namin kaya gagawin ko ang lahat huwag lang mawala sa buhay ko siya Lang ang lalaki sa buhay ko wla ng iba
Magbasa paMay pagkukusa sya sa ilang mga bagay.. siguro nakikita nya ang hirap.. we have 3 kids and no yaya at all.. at ayaw n ayaw nya n nananahimik ako at iretable.. alam nya magcacause ng away yun so nakilos sya para tumulong.. if he didnt know what to do he wil ask kung pano sya makakatulong..
Kahit anong utos ko maglaba wala di talaga gagalaw, sa una lang siya gagawa nung nagsisimula palang kami pero ngayung tumatagal na umiiba na ugali .dina mautusan puro nalang cellhone ang hawak ,kapag uutusan magdadahilan pa . Di nalang ako iimik ang hirap ng ganitong sitwasyon 😢
Yes noon un. Cia pa gumigising pra magsaing pag ngtrabaho n cia..pero ngayon na ofw na cia andami n nya reklamo at mas masakit pa sinabihan nya ako wlang silbi...mag trabaho dn dw ako..sobrang sakit na akla nya nagpapasarap lng ako
Dati never tlga syang kumikilos at ayaw na ayaw nyang inuutusan ko sya. ngayon na magkakaanak na kami sya na naglalaba, nag lilinis ng kwarto 😊nakikita ko na tlaga pagbabago nya sana nga tuloy tuloy hahahaha
Masipag ang asawa ko. bukod sa work kase may sideline works pa sya sa labas. Kaya ako lahat ng gawaing bahay hanggat maari sakin if ever lang na hindi ko kaya nag papatulong ako sa kanya. 😍
yes tumutulong ng kusa ang asawa ko kahit nag wwork na sya mag hapon pag nakita na pag uwi yung plato na hndi pa nahuhugasan dahil nag lalaba ako sya na nag kukusa.💗