Tulog si baby around 930pm kagabi. Nakatagilid sya, nakaharap sa kaliwa. Napansin ko na sabay gumalaw ung paa at kamay ni baby 2 times, mga 10 - 15 sec interval. Tapos kinarga ko sya at pinakita ko sa kapatid ko. Pagdating ko sa kanya sa kabilang kwarto lang. Hirap sya gisingin tapos parang lupaypay sya. inobserbahan pa namin sya, ganun uli, gumalaw naman uli ung paa at kamay nya, sabay, 2 times. Pinaiyak namin, umiyak naman pero saglit lang. Tapos tulog uli. Pina iyak uli. Ganun parin iyak mga 5 sec. Tapos tulog uli. Nag panic na kami, halos ma iyak na ako. Nag prepare na kami para pumunta sa hospital habang inoobserbahan namin. D na naulit. Magdamag ko syang inoobserbahan. D na naulit. Anu kaya un?
Nung pinanganak si baby, 3 coil ung ikot ng pusod nya sa leeg. Tingin ko naman malakas si baby. Resestensya nya at Physicaly.
3 weeks palang sya.
Normal lahat result ng new born nya.
18 oz. (540 ml) na gatas.
Infamil 0-6months old.
3 oz./90 ml lang breastmilk naiinum nya daily.
Minsan lang ito ngyari.
Anu po kaya un?
Worried dad.
Bukas kami magpacheck up.