Natatakot ako..

Totoo po ba yung inaaswang? Sabi kasi ng kapitbahay namin may asawang daw sa bubong namin kagabi. Pero kami wala kaming naririnig.. Any advice na dapat gawin.. Thankyou

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku mga paniniwala ng mga matatanda talaga! Ako din nung isang araw ayaw pabukas ni mama ang balcony kasi papasukin daw ako ng aswang nakita niyang bukas thru video call 😂 nastress ako eh init na init ako tapos di naman ako nag aaircon hanggat di pa matutulog 😂😂😂 kung makulit talaga sila at paulitu lit kang sinasabihan, magsabit ka na lang ng bawang sa pinto mo para tapos HAHAHAHA

Magbasa pa

Ako nong una di ako naniniwala jan. Pero di ko makalimutan ung nagbubuntis ako sa panganay ko. Kasi di ako naniniwala lumalabas ako mga 930 na ng gabi para bumili lang ng machichicha, hanggang sa may likod ng bahay namin may mga puno ng saging, narinig namin may nag iik-ik tapos may mga umiikot na paniki. Kaya ayun, naniniwala na ko, kasi kahit kapit bahay namin narinig un

Magbasa pa
VIP Member

maamsh kung natatakot ka man magdasal kalang po lagi, ako momsh bago ako matulog kapag nakasumponh yung takot ko kinakausap ko lamg si god yung tipong kahit walamh kwenta e sinasabi ko sakanya hanggang sa makatulugan ko n pag kkwento ko sakanya

Same tayo mamsh kaya naglalagay ako kalamansi sa tyan ko pigaan mo ng kalamansi tas ipahid mo sa buong tyan para di daw maamoy ng aswang kase mabango daw yab sa kanila e. Tas maglagay kadin ng bawang gawin mong belt tas asin sa bahay nyo.

Pray 👍 Close mo lang windows and curtains mo. Yung iba, sabi totoo. May mga mababasa ka tungkol diyan dito, try mo i-search. Wag ka magpa-stress, ipagppray ko kayo ng baby mo. Magtabi ka lang ng bibliya o rosaryo sa tabi mo.

Magbasa pa

My kasabihan po na pag nilagyan niyo po ng lana or coconut oil yung bintana niyo tapos bumukal, my aswang. Pero ngayon moderno na yung buhay natin parang hindi na kapanipaniwala yung mga ganyan.

Totoo po yan momshie ganyan po dito sa amin sa mindanao may aswang. Ang gawin mu is bili ka ng inggo tas ilagay mu sa tshirt mu araw2 at tsaka pag gabi2 itim na tshirt ang suotin mu.

Wala pong masama kung mag iingat. Wag na lang po magpapadala sa takot at baka makastress din po sa inyo. Basta close nyo na lang po windows niyo lalo sa gabi tapos pray lang po kayo.

Wala po masama kung maniniwala diba. Kami since lumaki sa province naniniwala kami. Lagay ka bawang sa bintana tsaka asin. Di ka naman mawawalan kung maniwala ka.

Magbasa pa
VIP Member

HUWAG ka po maniwala sa aswang! Kundi sa DIOS.. Huwag mo pong takutin sarili mo hehe magtiwala po tayo sa DIOS 🙏 kesa sa mga imbento ng tao..