Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mama bear of beautiful daughter
38 wks
Nakaraos na ko. Sooo happy and at the same time, nakakatakot. Feeling ko I'm not good enough para sa newborn ko. 3 days old pa Lang sya. Lagi syang tulog. Pag inooffer ko breast ko. Ayaw nya talaga. Kaya Ang ending namin, feed on demand na Lang sya. Kasi pag nanghingi talaga sya. Ayun Ang dami nya dumedede. Pero okay ba un?! Minsan 4-5hrs straight syang tulog.
Team October
EDD ko is Oct. 1. 37wks na ko today. Gulat ako pag IE sakin Ng midwife 2cm na ko. Hahaha. Hintayin ko na Lang daw pumutok patubigan ko. Every pregnancy is different. Nung buntis ako sa first ko. Sobrang laki ko, as in parang lumobo. 65kg tapos malaki tyan ko. Pinanganak ko si First born na may 2.9kg. lahat Ng laboratory ko is normal, nakakapasyal pa ko. Pero dito sa second ko, napakaselan ko. Di ako tabain, lagi sila nagugulat pag sinasabi ko Kung ilang bwan na ung tyan ko. Kasi di Ganon kalaki. Pero pag nagpapa ultrasound ako, Sabi ni OB, 3kg na daw si baby at very healthy. Yun Naman Ang importante. Kaya sa mga Momsh wag Kayo masstress Kung maliit Ang bump nyo. Di importante Ang nakikita nila sa labas, Ang importante ung NASA loob. Good luck po sa atin.
33 wks!
Hello 33wks na ko today. Ano mga nararamdaman nyo? Ako nararamdaman ko ulo ni baby palabas, parang sinusuntok ung bilatski ko. Ano ginagawa nyo? Mentally prepared na Po ba Kayo? mababa na Po ba? Di Kasi ako makapaglakad lakad dahil sa MECQ, ayaw din ako palabasin ni Hubs. Kaya tamang gawa na Lang ako sa bahay. Naglalampaso, laba at luto.
sinukin or hiccups
Preggy Po ako 31 wks na Po. Normal Po ba na twing madaling araw sinisinok si baby sa loob?
nalilihi pa din sa Kitkat
Hello momsh. Im 29wks preggy and still craving pa din sa Kitkat. Gustong gusto ko talaga. Kapag nagpipigil ako lalo akong ginugutom. Nagtake na ko ng OGTT ko. Sa awa ng dyos normal po lahat. Pinapagalitan kasi ako ni Hubs kapag nasosobrahan ako sa matamis. Ganito din ba kayo? May cravings pa din kahit 3rd trimester na?
OGTT
Hello Po. Ask ko Lang Po. Pag nag OGTT po. 7-8hrs daw Po Ang fasting. Bale 11pm bawal na ko mag Kakain? Kasi po 7am Po ang sched ko for OGTT. Kahit Po ba tubig bawal uminom? Saka magkano po binayaran nyo? Salamat po
CAS
San po Ang murang CAS within Makati? Saka worth it po ba ang mga 3D CAS?
Rashes sa tyan.
Hello Po, I'm 23wks pregnant. Kanina ko lang napansin na may rashes ung tyan mo. Di Naman Po ganon kakati. Wala Po akong lagnat, ubo at sipon. Ano Po kaya to? Masama Po ba to sa baby?
Megason Malapit sa Osmak
Hello mom's, ask ko Lang po. Open na Po ba ung Megason Malapit sa OSMAK? Magkano po ang CAS?
Name
Cute Po ba Ang name na Katara?