girl or boy?

Hi ! Totoo po ba ung sinasabi nila na pag haggard ang mommy boy si baby? Tas pag blooming naman is girl?

72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po totoo mamshy, kasi yung katrabaho ko as in nahaggard sya tas tamad sya mag ayos sa sarili then ayun baby girl lumabas nung nag pa ultrasound sya. Then ako naman, wala nman nabago sa itsura ko, hindi rin nangitim yung leeg ko, masipag parin mag ayos πŸ˜‚ sabi nila girl daw kasi blooming daw ako ngayon, pero ung lumabas sa ultrasound ko baby boyyyy hihi 6 mons preggy here.

Magbasa pa

Not true! Nung preggy ako sobrang haggard ng itsura ko tapos sobrang tamad ko mag ayos eh sa work ko hindi pwedeng di naka make-up kaya ginagawa ko nun super light make up lang kasi naiirita talaga ako pag may nilalagay ako sa mukha ko pag-uwi tanggal agad. Pero baby girl ang baby ko πŸ˜…

Hndi po totoo un. Depende un sa hormones natin.. Nung 1st pregnancy ko umitim lahat ng parte ng katawan ko puno ako ng pimples sobrang pangit ko pero girl baby ko.. Ngaun 7 months na with my 2nd baby pero blooming parang di ako buntis.. Mas pumuti pa ngako. Pero boy baby ko hehe

VIP Member

Not true. Ako akala ng lahat babae anak ko kasi ang blooming ko, hahaha lalaki pala. For my observation naman, kaoag panget ka babae anak mo kasi kinukuha nya yung ganda mo hahaha. Pero hndi naman toto mga gnun. Pa ultrasound para sure 😊😊😊😁😁

VIP Member

sakin nman po..ung dalawa n babies ko puro boy..kaya nung time n pinagbubuntis ko cla..sobrang haggard ko po tlga..as in ang pangit ko..maitim ung batok pati kili2..nawala LNG po lahat ng un pgka panganak ko..😁

VIP Member

Nope... boy ang baby ko but i can see myself as blooming ,ganun din nmn sbi ng iba kong friends, but there are times na haggard ang dating ng aura ko kahit mag nake up due to pagod tlga at hassle paminsan

Nope. Depende yan sa mood ni mommy. Kahit anong gender, may mommies na ayaw mukhang losyang kaya maintained ang aura. Pero may mga mommies din na tamad mag ayos dahil hassle kaya nagmumukhang haggard.

VIP Member

dun ako naniniwala sa blooming pag babyboy.. ilan sa mga kakilala ang blooming talaga sila yun pala baby boy mga anak nila ako haggard mas lalong tinamad kaai babygirl pala haha

VIP Member

hindi po ako naniniwala sa ganyan.. pero aa experience ko po nung boy na first ko sobra haggard ko po.. and this year nanganak po ako baby girl nman po hnd ako nahaggard

Sakin sis sabi nila baby girl kasi blooming ako palagi at hindi naman nagbago yung itsura ko, yun nga totoo hula nila na baby girl yung anak ko. πŸ’•πŸ˜Š