Mommy Mae profile icon
GoldGold

Mommy Mae, Philippines

Contributor

About Mommy Mae

Mommy of two beautiful babies♥

My Orders
Posts(17)
Replies(86)
Articles(0)
 profile icon
Write a reply

Bakit Ganon?

Sorry in advance for this post. Ang dami-daming gustong magconceive and mabuntis. Bakit may mga babae pa ring gusto ipatunaw yung dinadala nila? Bakit kapag nalaman na buntis sila, iinuman nila ng kung ano-ano para lang duguin sila? Sa totoo lang, may mga kakilala akong kapag delayed yung mens ng one month, iinuman ng purong *toot* ng walang kain para lang duguin sila. As in ang sarap pagsasampalin kaso wala, choice nila yun. (Di ko na sasabihin iniinom nila para safe) 'Di ko naman sila kaclose and ganun kakilala para mangealam ako. Ang sakit sa puso and nakakagalit kasi, walang baby na pagkakamali. Walang baby na wrong timing. Walang baby na "hindi sinadya" . Walang baby na hindi kayang buhayin. Kung ibinigay sa'yo, meaning kaya mo! Meaning on time, nakatadhanang mabuo! Meaning para sa'yo yun. Kaya bakit ganon? ? Kung walang magsusuporta, maging matatag ka. Nanay ka na kaya hindi pwedeng dahilan na nalilito ka kaya ganun yung pinipili mong desisyon. Nung time na nag-*toot* kayo, dapat alam mo na posibleng may mabuo kahit na may gamit kayong contraceptives. 'Di ba dapat handa ka na? Pero bakit ganon? Ayun, yung kakilala kong minsan ng gumawa ng katangahan na 'to. Gusto na niyang mabuntis, pero ilang taon na naghihintay, wala pa rin. That's the effect. Pinagkaloob na sa'yo, pinatay mo pa. ? I pray na maging matatag lahat ng mga "hindi-ready" mabuntis para hindi nila magawa yung mga gantong desisyon. I pray na wala ng baby yung mapagkaitan na maisilang sa mundo. Sana lahat ng baby minamahal kahit on the process pa lang sila ng development sa tyan. ?

Read more
 profile icon
Write a reply