Random

Totoo kaya yung sinasabi nila na pag tinatago yung pagbubuntis nakikisama yung bata kaya di rin agad nagkakaroon ng baby bump? Tapos pag nalaman na ng lahat, (ex. Family) bigla bigla na lang lolobo yung tyan. Not my experience though. Narinig rinig ko lang sa iba. Alam na ng buong family ko ung sakin butete palang si baby at hanggang ngayon galit pa rin sila. Pero laban lang! ??

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oo kc pag tinatago ung pagbubuntis naka mindset na ayaw lumaki ung tyan kaya ginugutom at iniistress ung baby kaya hnd lalaki.. Kaya pag okay na naibulgar na ung nanay kakain na yan ng maayos at matiwasay kaya nag start na mag grow ung baby... Kaya pag lumabas ung baby later on di alam anong sakit ang madedevelop nya.. Kaya kung buntis wag na itago be proud.. Nagpakasarap bumukaka tapos takot sa resulta (ung mga nagtatago pa rin)

Magbasa pa

Hahaha natawa ko sa butete part, mommy. Sa case ko kahit nung sinabi ko na sa family ko di pa din lumaki masyado tummy ko. 6mos nako and parang nagbuffet lang yung itsura 😂 Laban lang mommy! Paglabas niyan ni baby mo baka di na nila ipahawak sa'yo baby mo sa sobrang sabik and excitement ❤

My experience was the same. Akala kO fats lang. 5 months ko na kasoh nalaman na im pregnant because i have pcos tapos kunghindi pa sumakit ang tyan ko at nag pa abdominal ultraaound, d q pa malalaman na may baby inside. Dun lang lumobo yung tyan ko. Siguro dahil 5 mOnths narin kasi. Heheheh

TapFluencer

Totoo un Sis,ung 1st born ko tinago ko for 5 mos nagwork pa ko nun sa Max's as customer relation officer nka-palda ko nd polo with chaleko,di nahalata ng mga sister ko youngest kse ko samin.Pero nung nabuking na ng ate ko biglang laki tyan ko.

Sa akin namn nalaman ng mga kpatid ko. sa una nagalit pero later on okay na lagi nila ko pinapayuhan sa mga dpat kong gawin. Pero ang problem lan hindi ko pa masabi sa tatay ko 😂😂 natatakot ako sa reaction nya.

Yes po true yan. 2 kids ko di ko agad sinabi pregnancy ko then nung nalaman na bigla lumaki tyan ko. Now sa 3rd baby ko alam nila agad weeks palang pag bbuntis ko malaki agad tyan ko kasi prang di tinago.

Siguro po hehe kase akin hindi talaga nahalata e kahit 5months na ko nun kase wala pang baby bump kaya hanggang ngayon kabuwanan ko na pero liit pa rin ng tyan ko parang 7months palang

Ako sa sa 1st born ko tinago ko then 5months na wala pri akong baby bump parang budog lan ako nung malapit na mag 6months ayun nalaman at biglang laki ng tummy ko.

VIP Member

Siguro po. Hehehehe. Yung saken d ko naman sya totally tinago pero nung nalaman na ng lahat ng Family and friends ko, hindi pa din masyadong lumaki yung tyan ko.

VIP Member

I think kaya masama pag tinatago pag iniipit mo ang tiyan mo. Sa early pregnancy naman kc di naman talaga malaki pa ang tiyan, mga bandang 5 mos. Pa lalaki yan