Pawisin na ulo ni baby

Totoo ba if pawisin ulo ng baby is mahina ang baga? 5 months na si baby ko bukas, napansin ko lagi pinagpapawisan ulo nya kahit malamig naman ang panahon kasi naguulan lately. Presko naman suot ni baby ko always and naka aircon kami sa gabi pero there are times talaga na pinagpapawisan sya pero SA ULO LANG.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, moms! Share ko lang yung nangyari sa bunso ko. Pawisin ang ulo ni baby ko tuwing dumedede siya, kaya naisip ko baka may issue. Nagpa-check kami, at nalaman na medyo mababa yung Vitamin D niya. Nagbigay ang pedia ng supplements, and after a few months, nag-improve siya. So moms, kung hindi kayo sigurado, magpatingin talaga sa doctor para ma-rule out ang ibang causes.

Magbasa pa

Hi! Relate ako dito. Yung panganay ko dati, pawisin ang ulo sa gabi, lalo na kapag makapal ang kumot niya. Pero nung nagtanong ako sa pedia, sabi niya normal lang ito, lalo na kapag active si baby or mainit ang kwarto. Ang importante, walang ibang signs tulad ng pagiging irritable or hirap sa paghinga. Pero agree ako sa lahat—kung duda kayo, magpa-checkup para sure.

Magbasa pa

Hi, everyone! Naalala ko, sobrang nag-alala ako noon kasi ang baby ko, super pawisin ang ulo kahit natutulog. Pero sabi ng pedia namin, normal daw ito sa mga babies. Mas active daw yung sweat glands nila sa ulo compared sa ibang parte ng katawan. Unless may kasamang ibang sintomas tulad ng hirap huminga o laging inuubo, hindi daw ito ibig sabihin na mahina ang baga.

Magbasa pa

Hello! Ang baby ko rin dati, pawisin ang ulo kahit tulog. Medyo nag-panic ako kasi may mga kwento na baka daw sign ng tuberculosis o weak lungs. Pero walang ibang sintomas tulad ng ubo, lagnat, or hirap huminga. Sabi ng pedia, natural lang daw ito kasi mabilis ang metabolism ng babies. Sa mga mommies na nag-aalala, observe lang muna—baka normal lang naman.

Magbasa pa

baby ko din 11months na mabilis pawisan pero if hindi naman maalinsangan hindi masyado.... kaya palaging preskong damit suot nya kahit sa gabi kasi maiinitin katawan.... may medyas lang palagi at pajama kasi ayaw mag kumot... nagagalit kahit tulog.... basta kelangan lang wag mababad sa pawis if may pawis punasan nalang agad...

Magbasa pa

Pag yan ang batayan ng mahina ang baga, lahat siguro ng baby mahina ang baga. Kase lahat po ng baby sadyang pawisin ang ulo, baby ko nga naka aircon na pinapawisan pa rin kaya pajama lng sinusuot ko sa knya at mejas para kht d na sya magkumot, oag kinumutan kase pinapawisan agad.

Same experience dito. Yung daughter ko, pawisin ang ulo lalo na kapag umiiyak or naglalaro. Akala ko may problema siya, pero sabi ng doktor, madalas environmental lang ito—mainit ba ang paligid o sobra ang layers ng damit? Ngayon, sinisigurado kong light ang damit niya at malamig ang kwarto.

VIP Member

Kapag malamig na ang panahon o naka aircon na at pawisin ang bata, likod dibdib leeg at ulo sabi nila mahina daw ang baga. Pero kapag BF si baby at pawis ang ulo habang dumedede, normal lang daw yun kasi mainit ang gatas ng nanay, punasan nalang. :)

Normal po. Karamihan po sa mga sweat glands ng baby asa ulo. Saka way po ng katawan nila yun para mag regulate ng body temperature nila. Isa rin po dahilan ay pag po sa iisang posisyon lang si baby ng pagtulog.

Hindi po . Wala pong kinalaman yan . Tinanong ko na din po yan sa pedia namin , as per my pedia di p daw fully developed ung sweat glands nila kaya ganya sila . 6 months na si LO ko