Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?

🗨Topic: 😫😡Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak 🥲👶🏻❓ 🗓 Date: Wednesday, April 24, 2024 ⏰️ Time: 1.00pm - 3.00pm 🤱🏻🥲 💬Hi, I'm Kate Delos Reyes, Founder of Beacon and a Mental Health Advocate. Join me at the Ask The Expert session on dealing with BIG emotions in parenthood! 🥲😡🤱🏻Kasama ang theAsianparent team, tutulungan ko kayo na mas maintindihan ang ating emotional and mental health as parents. Pag-uusapan natin ang mga sumusunod: Bakit ang bilis kong magalit o umiyak nung naging Nanay/Tatay na ako? Bakit mas madalas na kaming mag-away mag-asawa nung nagka-anak na kami? Why do I experience BIG emotions as a parent? How do I properly deal with these emotions so they don't affect my child’s development? How do I know if I have Postpartum Depression or Anxiety? And more... See you!

Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

legit po. bakit nga po kaya, umikli ang pasensya ko mula ng maging nanay ako. especially nitong pangalawang panganak ko. naging maiinitin ulo ko. di lang sa mga anak ko lalo sa toddler ko pati nadin sa husband ko. feeling ko di niya ko naiintindihan. tas everytime magoopen up ako sa kanya, feeling ko nagagalit sya at walang pakealam, pero hindi naman. sobrang caring at maunawain husband ko. ahat ginagawa niya para samin ng mga anak namin. At the end of the day, iiyak nalang ako kasi marerealize ko na overreacting and overthinking lang ako.. niyayakap sila pag tulog at nagsosorry na nadamay sila sa depression ko. PAANO KO PO KAYA MAIAALIS YUNG GANITONG UGALI.

Magbasa pa
8mo ago

Hi Abby! Nag-iiba rin kasi tayo sa bawat baby natin. It's another kind of adjustment to have another baby. Our relationships change also. Sometimes what we really need is VALIDATION. Yung mararamdaman mo na hindi ka lang nag-iinarte, papansin, or O.A. If you want, you can join the Beacon Postpartum Club. We meet virtually every month just to hear each other out and receive advice from a therapist + other moms. Check mo if you're interested: www.beacon.ph/postpartum-club