Thanks God Always!

Thank you Lord Share ko lng experience ko.. EDD: Mar 14, 2020 DOB: Mar 3, 2020 Via Normal Delivery My whole pregnancy journey was a good one. Hindi ko na experience maglihi, magsuka, magspotting at kahit nung palapit na sa kabuwanan ko hindi din namanas. I thank God for guiding me the whole time na buntis ako. NagML ako on my 37th week kasi sabi ni hubby pahinga na daw ako kahit na alam ko na kaya ko pa. But on that week also nung IE ko 1 cm agad.. After 1 week Feb 29, 38th week it increased to 2-3cm. Since my target date of delivery is Mar 3 because of the numbers 03-03-2020, I always talked to my baby na labas xa sa 3. So ayun dumating ang March 2, may lumabas na discharge na napakadami pero no blood at all. I even used napkin because of the discharge. Nung hapon na yun I decided na umakyat ng overpass then naglakad ng almost 3km, no signs pa dn. March 3, 2am, umihi ako. Nagulat ako kasi may blood. So tinawag ko c hubby, pati din c nnay.. So ayun, sabi ng nnay manganganak na daw ako. Pero I don't feel any pain. But still pumunta kaming ospital. Pagdating dun 4am, IE sakin still 2-3cm pa dn but dumadami na ang dugo. So inadmit na ako. 9am nung IE ko ulit 3-4 cm pa lng, so the doctor adviced to induced na. After malagyan ng gamot yung dextrose ko dun na ako nakaramdam ng hilab, but tolerable pa dn. 1pm came, same pain ang nararamdaman ko since 9am, pag IE sakin boom 7-8 cm na pala.. So they rushed me to the delivery room. 2:30pm pinutok panubigan ko, ayun sumakit na lalo. After nun, the OB instructed me kung panu na umire pero nahirapan pa dn ako until isang lalaking nurse na ang nagpush ng tyan ko pra lumabas c baby. Ayun after 1 push lumabas na ang baby namin 3:15pm, yun nga lng nawalan na ako ng malay, hindi ko na narinig iyak ni baby kahit yung skin to skin hindi din. Kahit paglinis at pagtahi hindi ko na din naramdaman. Nagising ako nasa recovery room na ako, hinanap ko agad c baby. Thanks God were both safe. Sorry napahaba ang kwento. Basta sa mga mommies jan na malapit na manganak, praktis nyu po ang proper breathing. Sobrang laking tulong po. Kasi ako po sobrang baba ng pain tolerance ko pero nakaya ko during labor at hindi ako nahirapan.. God bless and goodluck mommies.. Pray lng kau.. Tutulungan kau ni God.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles