Why dont u talk to your hubby mamsh? Mas mabuting kausapin mo siya para malinaw mo sa kanya yung saloobin mo.sabi nga nila,sa pag aasawa,nagiging partners kayo sa lahat. Nagtutulungan kayo at nagiinspire sa isat isa. Kausapin mo asawa mo ng maayos. Try mo na ibuild up kakayahan niya para marecognize niya kung saan siya magaling kumita ng pera(negosyo o trabaho) kung ano ba ang passion niya. Para dun siya magfocus at ma build nyo parehas sa pagtutulungan nyo ang pamilya nyo ng hindi nakaasa sa ibang tao.
Kung ako yun sis, di okay sa akin yung ganyan. Mahirap kasi naasa eh, kagaya nga ng sinasabi mo, pag may bagay na di nagustuhan, susumbat lahat. Buti sana if si hubby napagbubuntungan, mukhang ikaw kasi yung dehado. Ayaw nyang gumastos eh di sana di na lang siya nagpamilya at sana nagstay na lang siya sa parents nya diba. Natry mo na siya kausapin sis ng masinsinan about that? Kumbaga heart-to-heart talk ba, ikanga.
Sis I agree po tama po lahat ng sinasabi mo. Regarding sa paguusap kilala ko kc ang asawa ko sa pag aaway lng mapupunta lahat ng yan pag nagsalita ako. 🤦🏻♀️
Kauspin mo muna yung aswa mo momsy about jan mhirap kc tlga na umsa aswa mo sa magulang nya kc nga balang araw o kapag galit parent nya sinusumbtan kayo sa natulong nila. Ang sakit kapg gnun Tapos nsa knya dn pla yung pera na dpat e nsa sayo yung pera kc ikaw yung babae ikaw dpat ang nag Bbudget nun. Ska sna kung puro asa sya sa mgulang nya sna dna muna sya nag aswa
Sis salamat po pero kahit kausapin ko nmn sya ng masinsinan sa pagaaway lng mauuwi ang lahat. 🤦🏻♀️ Nanay pa nya pag nasaniban ng pagka moody sinusumbat tlga lahat. Ako ang pinupunterya. Grabe rin pagtitiis ko sa ugali ng nanay nya. Btw, may work nmn po ang asawa ko. Kaya lng syempre dahil sa nakakainis na sakit na yan tigil work. May ipon nmn po kmi. Kaya di ko tlga alam bakit ganyan mindset nya na nakikitaan ko sya na ayaw nyang gumagastos at mainit ulo nya pag naglalabas na ng pera. Yung ipon namin sya lng ang nagba budget nun sya may hawak para sa kanya kc sya lng nmn ang allowed lumabas mamili
Mag work ka nalang para di ka nasstress dyan sa asawa mo. Jusko tayong mga babae dapat lang na may hawak tayong sariling pera. Hayaan mo yang asawa mo humingi ng humingi sa nanay nya tutal anak naman sya. Ikaw talaga pagbubuntunan ng galit dyan kasi asawa kalang naman ng anak nya. So much better magkaron ka din sarili mong pera para walang sakit sa ulo.
Yun nga po asa utak ko na ngayon sis. Iba rin tlga pag me sarili kang pera di ka nakaasa nakukuha mo o nabibili mo agad lalo na yung para sa anak mo. Matapos lng itong quarantine na ito tlga.. Kc dumating din sa point na nasasabi sakin ng asawa ko na nahihirapan sya sa amin kaya ang gusto nya mangyari minsan umuuwi kmi sa kanila kc daw para makaluwag luwag. 🙄 May time nyan sinumbatan na rin ako nyan ng di sinasadya. He keeps on saying na sya lahat ang gumagastos sya lng ang nahihirapan
Nako sis wag kayo umasa sa byenan nyo mahairap na pag sinumbat nalang bigla, then sa asawa mo wag kamo syang palaasa naka buo nga sya ng pamilya so kaylangan nyang tumayo sa sarili nyang paa
Sinusumbat na nga sis pag nasaniban. Ako pa pinupunterya ng nanay nya grabe rin po pagtitiis ko sa ugali non. Kahit pa kausapin ko sya sabihin ko yan e sa pagaaway lng mauuwi ang lahat. 🤦🏻♀️ Ewan ko lng tlga bakit ganyan mindset nya na parang ayaw nyang gumagastos sya at lagi sya nakaasa don
Heart to heart talk mo si hubby mo sis panget ung ganyang attitude niya na parang bata umaasa sa nanay nia. Mas magandang iprovide nia sainyo mag ina kesa nanay nia ang nag pprovide
Kahit po magusap kmi sabihin ko lahat lahat e magaaway lng kmi sa huli. 🤦🏻♀️ Kaya nga ang plano ko ang asa isip ko ngayon e maghanap po ng work after ng quarantine matapos lng tlga ito. Para ako nmn sa sarili ko me hawak akong sariling pera at makapag provide din ako agad para sa anak namin
parang wala lang din po pagbukod nyo momsh kung ganun rin lang nangyayare .maige po kausapin mo po si hubby nh masisinsinan and explain mo po maige para po masettle nyo
Naku parang wala tlga. Sa nanay pa nyang pala desisyon gusto lagi sya sinusunod. May sarili na ngang pamilya ang anak nya. 😡 Kahit po kausapin ko hubby ko sabihin ko lahat lahat e sa pagaaway lng ang ending.🤦🏻♀️
Anonymous