Ask.po
May tatanong lng ako. Sabihin na nating maglalabas lng din ng saloobin. Ok lng ba kung yung asawa mo e pakiramdam mo nakaasa pa rin sa magulang? Nakabukod nmn kayo. Pero ultimong stock sa bahay like canned goods, noodles, bigas, itlog, gas, iba pang pagkain na pwede ibigay dito, e inaasa pa nya. Nananahimik kmi dito tas sya gustong gusto nya e punta ng punta sa mga magulang nya magkukuha ng kung ano ano. Ano pakiramdam nyo non bilang asawa mga mommies? Tas yung gas ha, pwede nmn kmi bumili dito ng sarili. Pero yung magulang nya iniinsist na sila ang magbibigay kc nga ayaw ng basta bastang gas lng jan. Tulad now butane na lng ang gamit namin paubos na pano na lng ako magluluto diba ano aantayin ko na magdala pa sila dito ng gas??? ??♀️ Btw may business silang itlog, bigas at mgas. Kaya ang ganap tuloy kung anong sabihin ng magulang nya sinusunod lng nya. Lalo na nanay nya. Kc ang katwiran nya way of pakikisama raw. Pero pag nawalan nmn sa mood ang nanay nya, sinusumbat na lahat ng binigay kesyo nakaasa pa nga raw kmi. Kung ano ano na sasabihing masakit regarding sa akin. Pag me sinabi pa ang magulang nya o napag desisyunan ng nanay nya e sinusunod namin. Maraming bagay na yung nanay nya ang nagdedesisyon o nasusunod sa amin. Pag sinabing ganto, ganyan. Nakikita ko tuloy yung asawa ko na nakaasa pa rin sa magulang nya. Di makatayo sa sariling mga paa. Minsan lng na sya ang nagdedesisyon. Pahirapan pa. At pinag aawayan pa namin. Bakit ganun... Kung me tanong kayo magtanong lng kayo. Bawal ang bida bida at judgemental dito. Try nyo muna magtanong di yung pagkabasa nyo e yon agad. Salamat sa magmamalasakit P.S Wala akong work, SAHM ako. Kaya nga after ng quarantine gusto ko na maghanap ng trabaho. Kc ultimong ulam o pagkain namin, pagkain ng anak ko, pahirapan ko pa sabihin sa kanya na bibili nmn ako ng ulam. Ang dating e parang ayaw nyang gumagastos sya. Pero napaka lakas mag yosi!! Ang pera namin sya nagbubudget tinutulungan ko sya sa sideline nya pero yung kita nmn nya e sa kanya lng. Di ko makitaan na shineshare nya sa amin ng anak nya..