totoo kaya ito?

tanong lang ho kasi yung mga sinasabi ng ibang nanay nuon daw kapanahunan nila wala naman daw hong ganyan ganyan na mga nireresetang gamot na kesyo ang daming iniinom at madaming bawal pero normal at maayos naman daw nailabas ang mga baby kasi binabawi na lang ho daw nila sa pagkain ng mga prutas at gulay, kaya sinasabi tuloy nila na dapat kainin daw kung ano dapat ang gustong kainin kasi pagdi daw nakain ang gusto pagsilang daw ni baby lagi daw nilalabas ang dila o panay dila na parang gutom totoo kaya ito?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha naalala ko yung mother in law ko. Tanong sya ng tanong bat ang dami kong vitamins saka bakit daw ako laging nagpapaultrasound( Hindi naman lagi, minsan doppler lang para pakinggan ang heartbeat) Tatlo naman daw naging anak nya pero hindi sya laging nagpapatingin at walang naging problema mga anak nya. Tahimik na lang ako pag ganun. Ayaw ko namang sumagot hehe. Eh yun ang nireseta ng OB eh. Nag aral sila ng ilang taon at madami na silang napaanak, malamang alam nila yung binibigay nila sayo diba. 😂

Magbasa pa