HELP
Tanong ko lang mga ka nanay. Kasal ni sister in law sa January. Kinukuha si baby as ring bearer. Sa January he is just 1 year old and 4 months. Iniisip ko na he's too young to walk on his own sa aisle. Baka magtantrums or ano pang gawin. Aside from that commute lang kami papunta and pauwi and almost 3-4 hours ang travel time at palipat lipat pa ng sasakyan. Si LO kasi napakabugnutin at mabilis topakin. Baka magwala sa mismong church. Yung lugar din po nila is katabi lang ng area na may namatay dahil sa meninggococcemia. ? Si mother in law lang po nagsabi sa asawa ko. Si SIL wala pang formal invitation. Ayoko sana tumuloy.