Ano'ng mas nakakainit ng dugo?

Tambak na maruming pinggan OR tambak ng labada?!

Ano'ng mas nakakainit ng dugo?
533 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tambak na maruming pinggan. Katwiran ko, kasi yung labada nasa isang sulok lang yan at nakabasket. Pwedeng unti-untiin. Yung pinggan, naka harang sa lababo, hindi ka makakakilos ng maayos hanggat hindi mo hugasan at alisin lahat. Tapo iipisin, lalangawin, babaho.. Yuck! 😅🤣

parang pareho pero Yung paglalaba naranasan ko na ung tapos kna maglaba tpos Maya Maya mapupuno nnaman ung lagayan ng maduming damit 🤣🤣 hirap maging labandera Lalo ikaw pa bunso so ikaw dn taga hugas at linis ng bahay/runner sa tindahan 🤣🤣 pero now na magging mommy na ako 🤣 balanakayojan🤣🤣

Ok lang naman sakin madami hugasan tsaka labada . Kaenjoy nga gumalaw kahit buntis ka ang nakakainit ulo lang yung ilalagay mo na nga lang sa lababo yung hugasan iiwanan pa sa lamesa . And worst may kasama pang basura..

ung madumi pinggan kasi kahit ilalagay ko sa dish washer, need ko pa rin anlawan bago ko isalang dun tapos pupunasan kk pa after malinisan bago maitago sa lalagyan 🤣 pag labada naman, may automatic washing machine naman eh, effort ko lang jan magsampay 😅

TapFluencer

Mas nakaka inis ang tambak na labada kasi matrabaho. Inaabot ako ng 2 oras. pag mag hugas pinggan, mabilis lang e. kering keri! 😊

VIP Member

Both pero salitan kmi ni hubby sa pghugas ng plato. At kung makikita nya ako nglalaba sasabihan nya ako na sya na magbanlaw at sampay❤️❤️❤️

VIP Member

Parehas,hugasan pag nakatambak sa lababo at hindi pa nahuhugasan. Sa labahan naman masakit sa likod lalo pag handwash lang ang gagawin.

VIP Member

Hugasin! Okay lang labahin kasi alangan naman araw araw maglaba. Pero hugasin kasi pwede naman hugasan agad ayaw pa gawin. 😂

VIP Member

wala na man nakaka inis sa dalawa na yan. pero mas trip ko maghugas kesa maglaba. lalo na maGsampay nakakapagod !

both po nakaka inis.. pero mas nakaka inis ang pinggan dahin iisa-isahin mo talaga.. yung labahan pweding ipakain na lang sa washing machine..bahala na cxa dun..🤣😂🤣😂