AE SH EL profile icon
PlatinumPlatinum

AE SH EL, Philippines

VIP Member

About AE SH EL

A mom

My Orders
Posts(10)
Replies(300)
Articles(0)
undefined profile icon
Write a reply

Bakit nagkakahalak c baby

Ang explanation sa baba ay pwedeng applicable sa mga nagbreastfeed at saka sa nagbobottle. Note: Breastfeeding is best for babies. Maraming babies na mga 1 or 2 months old na dinadala sa clinic na maiingay daw huminga or may halak. Kapag chineck ko naman ay halos wala akong naririnig na plema sa stethoscope. Ito ang mga tinatanong ko... Matigas ba ubo? Di naman Doc. Parati bang inuubo? Minsanan lang talaga po, like 2 x a day. Nagigising ba sya sa ubo niya? Ang himbing ng tulog Doc. Malakas dumede? Ay super po Doc. Like 1 hour or 2 hours palang ay yung labi niya naghahanap na ng nipple at iyak kaagad? Madalas ba ang suka ng gatas? Madalas po Doc. Ok most likely may overfeeding tayo. Ang stomach kasi kapag napuno at meron paring milk na pumpasok ay nagkakaroon ng backflow. Yung milk ay pwedeng isuka, pwedeng umakyat sa likod ng ilong at magkaroon ng pagkabara ng ilong na parang may sipon na wala namang lumalabas at pwede ring pumasok sa baga o lungs. Yung naririnig mong halak ay most likely ay yung gatas na nashoot sa baga. Dahil kung plema talaga yun ay dapat grabe na ang ubo. Pero dahil minsanan lang ubo most likely liquid ito at hindi malagkit gaya ng plema. Delikado po ba ito Doc? Mas natatakot ako sa ubo na parati at hindi sa halak. Actually kung di naman marami ang pumunta sa baga ay ok lang at nawawala lang ito. Pero kung marami ay pwedeng di makahinga at pwedeng delikado rin. Eh talagang sige hingi Doc po eh. Actually ganito yan. Ang baby ay parang tayo rin. Kapag wala tayong kausap o walang pinapanood na TV o wala tayong cellphone sa kamay para tayong nabobored after 1 hour. Ang baby nabobored rin yan, so tinatanong niya sarili niya, "ano bang masarap gawin?" Dahil baby sya ang alam niyang kasayahan sa buhay ay gatas!!!! Dahil yun lang ang nakaregister sa utak niya! Di naman niya alam ang TV o cellphone kaya hihingi sya ng gatas dahil di talaga gutom sya kundi alam niya na nawawala ang pagkabored niya. Pero aangal ngayon ang tyan dahil puno pa kaya binabalik palabas. Dalawa lang ang entertainment na alam ng babies: isa ang gatas at ang pangalawa ang pagsayaw. So ibig sabihin kung mga wala pang 3 or 4hrs mula sa last feeding, kargahin mo muna at sayawin. Sabihan mo, "baby di lang naman milk ang enjoyment sa buhay, masarap din naman ang sayaw sayaw. Wag mo rin padedeen ng nakahiga. Dapat elevated ang position niya. Mas madaling mabilaokan kung nakahiga. Kung tayo nga di natin kayang uminum ng liquid nakahiga bakit ang baby iniisip natin na kaya nila. Iburp rin after feeding para lumabas ang hangin. Yung hangin kasi sa loob ng tyan ang tumutulak rin ng gatas pabalik papunta sa bibig o sa baga o sa ilong. In other words sayaw sayaw rin pagmay time. At inform ko po rin kayo ang umaga at gabi at madaling araw ay katulad lang. ibig sabihin kailangan pa rin gawin ang sinabi ko sa taas kahit madaling araw. Kaya humingi ka ng tulong if antok ka talaga. 1. Wag magpadede ng nakahiga, medyo elevate o inclined gaya ng sa image. 2. sayawsayaw para lumayo ang interval ng gatas to 3 or 4 hrs 3. Burp after feeding Disclaimer: mas maigi ang magpakonsulta kapag may halak ng masiguro. Disclaimer: I don't encourage TV and phones for babies. The above is just an example to get the message across. Credits to:Dr. Richard Mata Pediatrician

Read more
Bakit nagkakahalak c baby
undefined profile icon
Write a reply

Payu lng ni doc.❤️❤️

Doc magiging spoiled ba ang baby ko kung parati ko siyang kakargahin kapag umiiyak? Sabi kasi ng iba hayaan ko lang daw at baka masanay at baka maging spoiled. Hindi po totoo na magiging spoiled ang baby kapag parating kinakarga. Dapat niyong alalahanin na simula nung pinanganak sya ay nagkaroon sya ng adjustment period. Dati nasa loob sya ng matress mo, medyo maligamgam ang swimming pool niya sa loob. Ang sustansiya niya ay automatic pumapasok sa pusod niya na galing sa kinakain mo, kaya halos wala syang nararamdamang gutom dahil matakaw ka , joke lang. Naririnig niya ang boses mo ng malinaw at kung tulog ka ang malakas na hilik mo naman. Joke uli. So parang may consistent na sound system sya. Sali mo na ang beat box na tunog ng puso mo na para syang napapahead bang habang kanyang pinapakiggan. Sa lakad mo palang ay parati mo syang nayugyug at naduduyan kaya ang sarap ng kanyang pakiramdam sa loob ng matress mo. Nung pinanganak sya ay biglang nanglamig ang balat niya. Parang yung feeling na lumabas ka sa dagat na may malamig na hangin. Gusto mo ng tuwalya diba? Akala niya ay panandalian lang at ibabalik lang sya uli sa maligamgam na swimming pool niya, pero hindi pala. So dadaan sya denial stage tapos acceptance stage para move on na sya. Sa mga stage nayan kailangan andyan ka upang di sya gaanong mahirapan sa adjustment. Isipin niyo 9 months yun! Isipin mo kung nagbreak kayo nung boyfriend mo na 9 months na steady kayo, gaano katagal ang adjustment period? Hugot ng konte. Mahina pa ang mata niya kaya di niya alam kung anong nangyayari. Ang sa isip niya ay iniwan sya. Isip niya ay wala syang kasama. Isip niya na baka may malaking ibon o halimaw na biglang kukuha sa kanya. Kahit kausapin mo at sabihin mong andito ako baby mahal kita di kita iiwan ay di niya ito naiintindihan. Para sa baby ang pagkarga mo at pagdikit mo ng katawan niya sa init ng katawan mo, kapag narinig na niya uli ang pitik ng puso mo at malapit na tunog ng boses mo at ang akap na parang nasa loob sya uli ng matress ay para sa kanya yun ang ibig sabihin ng , "I love you, I am here, I won't leave you". Kung gusto mong lumaki syang hindi insecure at confident, wag mong ipag-kait ang karga mo. Dr. Richard Mata Pediatrician

Read more
undefined profile icon
Write a reply