Useless

Tama bang isumbat ng lalake na sya lang ang nagtatrabaho at Sasabihin na wala naman natutulong ang babae? Sasabihin pang walang kwenta o walang silbi. So para saan pala yung pag aasikaso ng babae sa lalake at pag aasikaso ng babae sa anak. Hindi ba tulong yun. Porket walang trabaho pa yung babae, susumbatan na ng lalake ?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman yan.. asawa ko sobrang appreciate niya ko dito sa bahay. Biruin mo pag gising, kakain lang siya maliligo at papasok na. Pag uwi, kakain at maglalaro na hanggang matulog na siya. Ako talaga lahat dito sa bahay. Never niya ko sinumbatan ng ganyan. Ako pa nga humahawak ng ATM payroll niya eh. Basta siya ang focus niya magwork lang.

Magbasa pa