Early pregnancy

Super lungkot ng nangyari sa anak ko kasi delayed sya natatakot akong mabutis sya kasi nalaman ko lang na may boyfriend pala sya. Ang bata pa nya huhu ano kaya pwede ko gawin?

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nabuntis din ako last year 19 lang ako 5 months kong tinago sa parents ko. Hindi naman favoritism pero ako ang pinaka pinagkakatiwalaan at pinagmamalaki nilang anak. Sa lahat ng aspeto sa pera, sa pag aaral never ko silang nabigo, kahit sa gawaing bahay. Lagi nila akong pinagmamalaki na "Yan si ano yan ang pinaka mabait sa lahat ng anak namin". Hindi nila alam kung paano nangyari dahil ni minsan hindi naman daw ako nagpapagabi. Yung nanay ko mga 3months palang nagdududa na pero sabi nya yung time na yun tinatawanan lang daw nya sarili nya kasi napaka labo naman daw na mabuntis ako. Pero wala eh nakakalusot padin talaga ako hehe. Nung sinabi ko sa nanay ko nabigla sya pero ni isang salitang masakit wala akong narinig hindi manlang nga sya nagtaas ng boses sa halip niyakap pa nya ako kasi alam daw nya kung gano kahirap pinagdaanan ko biruin mo ba naman ilang buwan akong walang alaga tapos tagtag sa gawaing bahay after nun sya na nagsabi sa tatay ko kasi matapang tatay ko sundalo kasi pero nung nalaman din di rin naman nagalit pero ramdam ko na may tampo sya. Masasabi ko lang po tanggapin nyo nalang po suportahan nyo sya kailangan na kailangan po nya yun ngayon buhay po ng apo nyo ang dala nya. Sabi nga pagbuntis ka yung isang paa mo nakabaon sa hukay.

Magbasa pa