Masakit na balakang

Sumasakit din po ba balakang niyo? Sakin kasi sumasakit yung left side, parang may biglang kirot tas di ko na maigalaw. Maling kilos lang parang may kidlat2 na kirot na.. Maling upo, maling tayo. 6 months preggy po. Nagpa urinalysis naman na ako nun. Normal naman.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

gnyan din po ako nun mommy, sumobra sa work, tayo at kakalakad, kaya ginawa nag bedrest muna ko kahit 1 day lang, then afterwork pahinga ka e elevate mo paa mo, tas bago matulog nilalagyan ko po ng baby oil yung balakang ko mommy. nawala nalang po ng kusa ang sakit. bsta walk or stand too long.

Ang ginagawa ko po pag masakit balakang ko, pag nakahiga po may unan sa ilalim ng balakang ko. Tas naglalagay ako ng upuan sa paanan ko para elevated with that po, nkakatulong para mawala yung sakit.

ako din po sa right na balakang naman.may kirot din po pag naakyat ako ng hagdan at pag naglalakad.hirap din po ako sa pagbangon.7mnths pregnant po.

Nagaadjust daw po kasi yung balakang natin momsh dahil lumalaki si baby.

Pahinga nalang po, saskit tlaga balakang naten dhil s paglaki ng tiyan.