42 Replies
Sus, kung kasal na kayo dapat di na nangingialam yung byenan mo sahod ng asawa mo. Hindi niya naman yun ginawa sa mama niya, bakit niya gustong gawin yun sa anak niya? Maghiwalay na lang kamo kayo ng anak niya kung gusto pa rin niyang angkinin yung anak niya. Kaya nga nag asawa e, para makapag sarili tapos siya pa tong isang malaking hadlang. Ipaglaban niyo yung dapat na nangyayari, di niyo rin dapat hinahayaan yung ganyang sitwasyon. Kausapin mo din dapat ng maayos yung asawa mo na wag nang magpahawak pa ng bayag niya sa nanay niya, dahil yun yung totoong nangyayari ngayon. Hawak kayong dalawa sa leeg ng walang kwentang byenan. Kung kasal na kayo, hindi na dapat pa siya nakikihati sa bagay na para sa anak at asawa nalang sana. Kung may lalabas na pera galing sa sahod ng asawa mo dapat nakadepende sa decision mo kung okay lang ba o hindi.
Nasira Ang una ko pamilya hanggang sa pangalawa dahil sa mga pesting beyanan na ganyan.kaya ayaw kau pa bukurin kc mawalan xa NG Pera galing sa anak nya Kung ako ikaw sis bumokod kau Jan mo malaman gaano ka ka importante sa Asawa mo.ung una Kong Asawa ayaw bumukod Kaya SB ko mag kanya kanya na Tau (tamad ex ko,Kaya ko din iniwan) Ung pangalawang na Asawa ko Naman kunsintidor mga kapatid at magulang minumura pa ako.pag nag aaway kami NG ka live in ko nag sumbong sa magulang nya at minumura ako NG tatay nya.kaya iniwan ko din kc Nana nakit ung lalaki at babaero.awa NG dios kahit d ako nag hahanap talagang may nakalaan para sakin na Tao at masaya na ako ngaun Lalo swerte ko na sa beyanan ko.
Best advice sis ay bumukod ka muna... Kahit ikaw lang, wag mo na isama yang husband mo hayaan mo sya don sa nanay nya. You should prioritize your own health kasi sayo nakasalalay ang health ni baby. You should get away from your stressors never magiging healthy sa isang preggy ang ma-stress at madaming iniisip! Isa pa, talk to your husband! :) You shouldn't keep negative thoughts na gumagambala sayo to him... He is your husband, if he truly loves you, he'll listen to you no matter what the situation is! Goodluck to your pregnancy, hope na sana walang mangyaring masama sayo and kay baby. Keep eating healthy and nutritious foods mummy!
Naku naku ganyan din in law ko sis eh, yung husband ko kasi sya lang nag.iisang anak. Parang nagseselos yung nanay nya kapag binibilhan nya ako ng mga pampaganda, eh bakit sya wala. Dapat din daw obligasyon ng anak na bigyan sya ng pera every week at yung anak nya magbabayad ng mga utang nya. Palagi sila nag-aaway kasi wala din maibigay husband ko syempre may baby kami at halos lahat gastusin sa bahay kami ang umaako. Kaya mas mabuti bumukod eh para wala ng hahawak sa leeg nyong mag asawa. Ang hirap sa mga in laws , parang nagpalaki yata sila ng anak para bigyan sila ng pera.
Mostly po pag mama's boy ang asawa madalas ganyan ang mother. . . Nakakalungkot pag ganyan. Lalot pag naka asa ung husband mo sa parents. Ay nako edi tapos damay kapa. . . Dba lalo na kau sasakalin. . . Minsan nga nasabihan pako ng p.g kc pinaubos nya sakin ung kaunting ulam..anu magagawa buntis kaya matakaw. Pero ok lng. Smile padin ako sa kanya. Bawi ako sa anak nya awayin ko! Hahahhahahahaha... Pero the best tlga is bumukod. Dapat ang lalaki ung binuo nyang pamilya ang no.1 priority nya. . . Protectahan nya family nya at alagaan. :(
Nakaka stress nga tlga yan sis... Kung kaya nyo bumukod kau... Byenan ko nmn wala pakialam samin problema ko mag aalaga s baby namin pag nangaral ako patay n kasi mama ko nasasayangan ako s work ko kung aalis ako.. kung makahingi buwan ko s asawa ko parang walang pamilyang binubuhay ung anak niya 😂 hindi nmn s pagdadamot pero lumalaki n pamilya nmin dpat maintindihan din nya kailangan nmin mag ipon pra s mga bata.... Hay bastaaaaa nkaka stress tlga 😂 tiis k muna s kanya mamsh habang nasa puder p niya kayo ng asawa mo
Nakakaloka talaga mga byenan. Lakas pa makaamoy ng sahod. Di naisip na dami pa gastusin kasi marami pa na kailangan bilhin para kay baby and syempre need mag ready para sa panganganak. Kukwestyunin pa kayo mag asawa bat wala natatabing pera. Pero lakas naman makaamoy ng sahod. Samantalang puro sla may work. Pati ung kapatid ng asawa ko. Pero asawa ko pa din hhingan e nagigipit din kami 🙄
kung kayang bumukod bumukod pero kung ndi wag kase magkanu paupahan ngayon isipin may gastusin pa diba manganganak ka.. pwede nyo naman pag usapan at mapagkasunduan sabihin mo yung mga hinanakit mo sa kanya sabi mo mabait naman sya siguro mauunawaan nya naman ang mga bagay na gusto mong mangyari at dapat nandun din ang asawa mo
Much better kausapin mu asawa mu. Kaya ako di ako pumayag na makitira eh kumuha kami ng sariling bahay para walang problema.. saka makakapagbudget ka ng ayos kasi kung nkapisan pag bibili ka ng pagkain hindi pwedeng sa inyo lang kelangan kasama lahat ng nasa bahay or else masasabihan ka ng madamot or kung anu ano
dapat sis bumukod na tlga kayo sa ayaw at sa gusto ng mil mo dapat si hubby mo ang mag sabi para matuto dn kamo kayo sa sarili nyong paa na wala nakikialam. ganyan dn kame dati buti binigyan ko ultimatum asawa ko pag di kami nag bukod ako aalis. Kung hindi kami umalis dun sguro hanggang ngaun lugmok kami.
Jessel P. Arcinas