Stressed ☹️

Stressed na po ako sa mother in law ko. ☹️ Lagi po parang kontra. Kapag nalaman nya price ng mga check up at gamot oarang lagi nanghihinyang. Eh hindi naman po ako saknya humihingi. Tapos kalahati pa ng sahod ng anak nya saknya. ☹️ Parang kinokontrol nya kami. Naka ilang ob ako kasi pinalipat ako. Dahil mas magaling daw dun ganyan ganito. Sinusunod ko para wala syang masabi. Ngyon umaga naman sabi nya papa inject nya ako anti tetanus. Wala pa naman po advice ob ko. Lagi nangunguna kung ano gagawin ko. Tinanong kung magkano hinihulog ko sa sss. Bat daw ang laki ganito ganyan voluntary ka lang naman. Hindi naman po ako nanghihingi. ☹️ Hindi ko malabas sama ng loob ko sa anak nya kaya ginagawa ko umuuwi ako sa lola ko. Nagagawa ko kung ano gusto ko. Ayaw din kasi bumukod kami. Ayaw nya mahiwalay anak nya saknya. ☹️ Hindi ko magawa mga gusto ko. Hay nako. Nakaka stress. Pero mabait naman po siya at maalaga. Ang ayaw ko lang kinokontrol nya kami. ☹️

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya ayaw mahiwalay sakanya anak nya kasi hati pala sa sahod nakakainis yung mga ganyang byenan masyadong pakielamera yung iba kase palagi din kasi nilang sinasabe na "dati wala namang mga ganyan ganyan" eh iba na nga po kasi ngayon , maging matigas ka mommy kausapin mo hubby mo magbukod kayo.

5y ago

Minsan nga po nagagalit pa kaoag may nabibili kmi g gamit. Bakit daw agad agad kami bumibili sana daw ipunin namin ang pera namin. Minsan 3600 lang sahod nung anak nya 2500 pa din sa nanay nya. ☹️

Yung mga nanay kase dati di naman sanay sa mga check up check up na ganyan. Ngayon kang nauso, nung ako nga nakita nainom mga gamot wag nadaw uminom makakasama sa bata kase sila daw nung panahon nila di naman daw uso mga ganyan pero walang problema yung bata paglabas

Kausapin mo partner mo na hnd habang buhay anjan kayo sa puder ng mama nya. Mas masaya at masarap ang nakabukod, may sariki kang desisyon. Kung stress kana, sabhn mo sa asawa mo sustentuhan pagbununtis mo, uuwi ka sa inyo dahil stress ka sa magulang nya

VIP Member

Nku momsh ganyan dn ako Hati kmi sa sahod sa knila malaki sakin yung maliit like sa kanila 7k sakin 3k lang. Ang hirap e budget nun tapos nagppa check up pa ako khit na may work ako halos kulang dn kc lagi ako bed rest kaya wla nattira sa sahod ko.

Me too kahit nong hindi pa ako buntis hati din kami ng mother in law ko sa sahod ng asawa ko 😒 hanggang ngayon malapit na ako manganak hati pa rin , siya pa nagdedesisyon kung ano or kailan dapat kami bumili ng gamit ng baby 😒

Ganyan din po kami dati sis. Mas nauuna pa bigyan yung biyenan ko sa sahod ng asawa ko kesa samin ng anak ko. Pero kinausap ko asawa ko tsaka pinaintindi ko sa kanya yun. After nun nagbago na. Nag bibigay nalang pag may sobra kami.

maybe better to talk about it with your husband first. not in complaining tone but just recommending pros and cons and what happens everytime he's out at work. tell him that you are comfortable without mil's intervention. for baby's sake.

5y ago

Nag away na kami dati dahil dyan. Nakikipag hiwalay ako kasi ayaw ko na makisama saknila. Nahihirapan na ako. Desedido na husband ko na mag bukod kmi bigla pa nagbago isip. Inis na inis ako.

Ang hirap ng ganyan huhuhu sabihin mo yung nararamdaman mo kay hubby mo sis .Para naman alam niya rin kung ano nararamdaman mo sa situation ninyo sa loob ng pamamahay ng nanay niya at sa panghihimasok niya sa inyo mag asawa

Kaya laging inaadvice ng mga parents na kelangan bumukod pag mag asawa na.. Buti pa mga in laws ko maunawain.. Sila pa may gusto na bumukod kame ng hubby ko.. Para matuto dw kame at mag desisyon ng sarili.

It's your choice mommy, bumukod ka magdemand ka sa husband mo. Mahirap makipag-argue sa mother in law tapos ganyan pa feeling mo kincontrol pa nya kayo. Mahirap magdecide para sa sarili nyo kapag ganyan.