help po 😭😭😭

Stress na ko kakaisip kung papano ako makakasurvive sa test na OGTT experience ko kc 8hours fasting kht water bawal raw kinuhanan ako ng dugo tpos pinainom ng Glucose tpos after 2hours kukuhanan pa sana uli ng dugo pero di ko po kinaya dahil 30min p lng nasuka ko n ung pinainom skn at nag Lbm pa ko dat time kinapos ng hininga at nahilo.. my same experience ba ko dto? Ano ginawa nyo pra makasurvive sa test na yan? Pinapaulit kc skn ng OB ko natatakot n ko maxperience uli ung ngyare.. please help.. Ftm po ako 31weeks pregnant..

help po 😭😭😭
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakayanan ko naman first baby ko ngayon. yung ginawa ko nung pinainom na sa akin dinahan dahan ko lang tas nakipag videocall ako sa tita ko para may kausap ako habang inuubos ko yung matamis na yun tas nasusuka na ako peru pinigilan ko kasi bawal daw sumuka tas yung babae na nag aassist gusto nya ubusin ko agad ei nung simula palang sabi nya pwde mong dahan dahanin para di ka sumuka tas nag iba isip nagagalit pa nga sa akin kasi daw mabagal akong uminom. sabi ko nalang sa isip ko kung bilisan ko susuka ako bahala kana magalit basta wait kalang mauubos ko rin to 🀣

Magbasa pa

relax lang mommy same case din , pero ako nasuka ko siya pag tapos na ng mga laboratory kase halos bumaliktad na sikmura ko at ramdam na ramdam ko na lipas na lipas na ako ng gutom , halos isang buong araw na akong nawalan ng gana kumain dahil sa OGTT na yan πŸ˜…πŸ˜…πŸ€£πŸ€£ pero ganun talaga para din naman sa baby natin yan kaya kakayanin πŸ‘πŸ‘ . tip sa mga MAG OGTT, sa gabi pa lang skyflakes lang kainin mo para pag gising mo sa umaga hindi ka gutom na gutom kahit abutin pa ng tanghali , may mararamdaman ka man pero hindi na katulad ng pag baliktad ng sikmura πŸ˜ŠπŸ˜‰

Magbasa pa

Muntik ko na din di matapos ung sken momsh. kasi ung pangapat na kuha sken ng dugo stressed na mga ugat ko kaya di na nila makuhaan. as in hilong hilo nako dahil para nalalamog na ung ugat ko. paulit ulit nilang tnry kaliwa't kana. hndi na talaga ko makuhaan kung kailan panghuli na tska nagkaproblema. buti nlang ung isang nurse marunong kumuha ng dugo sa ugat sa kamay dun nlang nila ko nakuhaan. pero hinang hina nako. kasi nabugbug na ung mga braso ko. hays ayoko na maulit yang ogtt na yan.

Magbasa pa

ako kanina lang nag pa OGTT kinaya ko ang gutom kahit ng hihina na. actually kumaen pa ko ng rice kgabe. at bandang 10pm nag snack ako ng biscuit .kaya hindi masyado masakit sa sikmura .at hindi ko sinuka yung pinainom sakin. pagkatpos ako turukan ng pangalawa. sinabhin nku ni. doc pwede na kumaen at agad agad ako uminom ng gatas dahil yung baby ko subrang likot na. nkaramdam na ng gutom din πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„

Magbasa pa
VIP Member

same po tayo mommie.. 25 weeks preggy na ko.. naka two na try ako bago ko na tapos yan... same din po.. sumuka po ako. follow nyo lng po ung last meal na sinabi sa inyo sakin kasi po twelve ng gabi ng kain po talaga ako ng heavy meal pero di madami kasi gabi na.. medyo parang nasusuka pa rin ako ng pangalawa pero ng iisip na lng po ako ng iba or pipikit para di masuka para matapos po..

Magbasa pa

Hi mommy, as a Medical technologist na kumukuha at nagrurun ng sample sa lab, advice ko na light meal na lang sa last mea niyo para hindi kayo mahilo at magsuka once na pinainom na sainyo yung glucose solution. Need talaga natin matest for OGTT para malaman if candidate tayo for Gestational diabetes. ☺️☺️ Fighting po mommy, kaya yan. Relax lang mabilis lang yung 2hrs. πŸ˜‡

Magbasa pa
4y ago

ano po b posibility mangyare pag my gdm?

kaya mo yan momsh. part talaga ng prenatal nateng mga buntis. saken nman nung ganyan ako nag fasting dn then uminum ng matamis na juice saken nga lang nilagok ko lahat kahit sabi na dahan dahan para d magsuka hehe.. uhaw dn kc ako nun at bet na bet ko ang matamis. sa susunod kundisyon mo isip mo momsh para kay baby at sau dn yan 😊

Magbasa pa

nako momsh ganyan din ako sa pangalawang tusok ko dun pa ako nasuka at nahilo d ko nlng cnabi at uulitin na nmn hirap pa nmn ang ugat kO kya ayun ok nmn ang result.basta pray nlng tau na normal bb natin at healthy kc mas parang pinapahirapan ako sa ganun sitwasyon kong uulitin ko n nmn.kya ayun d ko nlng cnbi na nasuka ko.

Magbasa pa
4y ago

pag di mo po sinabi n naisuka mo same lang b un result or baka mas mataas makuha na result?

Nasusunod po yung Fasting time mo Mommy? Try mo slowly inumin. 5mins ata given time nila to consume the Orange Juice. Ako tiis din talaga kahit masuka suka. Two times din ako nag OGTT bc i had GDM. Mahirap mag repeat mommy. Repeat tusok, another bayad and another juice hehe. Tyagaan nyo lang po nextime.

Magbasa pa
4y ago

opo nasunod ko fasting ko.. di ko lmg tlga kinaya kc di cguro ako sanay mgutom..kht water po kc pinagbawalan ako..

ah sayo 2hrs bago kunan blood? sakin naman every 1hr kinukuhaan ng blood, nakaramdam din ako momsh ng hilo at sakit ng ulo after ko inumin ung glucose drink na yun pero kinalma ko lang self ko at pinikit mga mata ko, thank God at natapos din test and after that normal naman result ko. 😊

4y ago

pinigilan ko nmn po isuka kaya lng di n tlga kaya.. sumakit ulo at nag lbm pa ako

Related Articles