I'M STRESSED ?

Stress na ko. I'm 4months preggy pero naiinis ako sa asawa ko :( .. Mabait naman siya at sobrang faithful at loyal . God fearing din . Pero wala siyang trabaho :( real world na tayo . huhu ako yung buntis ako pa yung nagtatrabaho. Naiinis ako . Malaki age gap namin. Pero sa pagiisip niya parang di padin siya mature. Ang dami ko na naiisip gawin . mag-online selling magbenta ng tuhog kasi tubong lugaw lahat ng yun .. Naiinis lang ako sa knya . Di man lang siya gumawa ng paraan :( magkakababy na kami . huhuhu .. Nastress na ko kasi di ko alam panu siya kokonprontahin kasi sobrang bait niya never ko pa siya nakitang magmura at uminom .. Sobrang makaDiyos pa . Nagwoworry lang ako sa financial status namin kasi walang wala na kami :( . Yung sweldo ko di na sapat smin . Di ko na nga nabibigyan magulang ko kahit na sobrang need nila kasi nagmaintenance sila ng gamot . di ko din masabi sa magulang ko na wala ng work hubby ko :(. Mga mamsh naiiyak na ko talaga .. Anong gagawin ko . huhuhu .. Gusto ko magalit sknya pero di ko kaya T.T

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di naman kailangan magalit sa hubby mo . ang kailangan mong gawin is kausapin sya heart to heart . wala naman pala bisyo si hubby mas madaling pagusapan ng mahinahon and mas madali mo maipapaintindi sa kanya ang mga darating na obligation specially pag nanganak ka na . you cant eork for 2 or 3 months depende pa sa way of delivery . i suggest na mag usap nalang kayo ng mahinahon . lagi mo tatandaan walang problema ang nasosolve kung pagaawayan . dapat lagi lang pinag uusapan para makapagplano ng tamang solusyon .

Magbasa pa

Mainam sis kausapin mo sya masinsinan.. sabihin mo na kelangan nyo na mag ipon para sa panganganak mo wag sana nya masamain kaso kelangan magtulungan kayo. Mahirap kasi kung ikaw lang magtatrabaho sis baka mapano ka pa, saka iwas stress dn sana. Mabait nga sya oo pero sis dpt maisip nya ung mga kelangan nyo ni baby lalo pag nanganak kna paano na kayo? mahirap na kumilos pag nasa 3rd tri na. Mahirap dn ung wala kang hawak na pera pag oras na manganganak kna..

Magbasa pa

Pag-usapan niyo po ng mabuti at masinsinan po ano mga plano nyo.. Wag nyo na po patagalin pa dahil sa nahihiya kayong comfrontahin sya or di nyo po magawa.. Habang wala syang work tumulong nalang po sya sa pag titinda.. Baka po kc pag hindi nyo po kinausap eh masanay po sya na "ah ok lang pala kht tambay muna ako".. Mag asawa na po kayo dapat open kayo sa isa't isa. Godbless po wag na ma stress

Magbasa pa

Ganyan situation namin nung buntis pa ako mamsh, ako yung nag wwork tapos may maliit syang silogan na unfortunately di nag work kasi di na sya pinaparenta ng mayari ng space na ginamit for silogan. So tyagaan ang nangyari. As long as you can see him na pursigido maghanap ng trabaho o diskarte makakayanan din mamsh ๐Ÿ’– if not, then tell him. Wag ka mastress bad for u and baby ๐Ÿ’–

Magbasa pa

Kelangab mo po sya kausapin na sobrang need nya maghanap nan trabaho at manganganak ka pa. Responsibility nya yon. Maging open ka sa kanya. Kausapin mo sya ng maayos. Hindi naman pwede na sya pa yung nakaasa sayo e ikaw na nga yung buntis. Mabait naman pala sya edi madali lang na makausap mo sya. Baka akala nya d pa kayo kinakapos kaya paeasy easy pa

Magbasa pa

Siguro po mommy kausapin mo na lng po masinsinan. I fell you kasi pinag daanan po namin yan. Di naman po kailangan na awayin agad lalo mabait๐Ÿ˜… siguro open up mo ma lang po muna sa kanya yung mga concerns mo. Based sa description mo sa kanya, siguro naman pakikinggan ka nya at maiintindihan nha pinanggagalingan moโ˜บ๏ธ

Magbasa pa

Pede mo naman sabihin sa kanya in a good way. Like. " love apply ka na kaya ulit o kaya tinda tinda ka lang para pag labas ni baby ready tau sa mga gastusin.. (with sweet voice na palambing) tignan mo kung anu isasagot nya.ngaun kung ayaw talaga. Ang mang yayari nyan. Sya ang bantay sa baby pag kapanganak mo ikaw sa work.

Magbasa pa
5y ago

Nako mommy kung ganyan katuwiran nya. Mukang ayaw nga talaga. Parang sa pinsan ko. Ayaw ng hubby magwork kaya ginawa ni girl sya ang nagwork pagkapanganak. Si lalaki ang iwan sa bahay.

Mommy, ano pong reason bakit wala siyang work? May health condition po ba siya? Buti hindi po maselan yung pregnancy mo. Mejo nakakafrustrate nga po pag ganyan yung situation esp now na preggy ka pa. You can suggest naman po magtinda po siya nung tuhog tuhog/ihaw po or magsari sari store siya sa labas po ng house.

Magbasa pa

Mas maganda kung kakausapin mo sya in a nice way,wala naman di nareresolve sa maayos na pag uusap para malaman mo din kung ano iniisip nya at pinaplano nya kasi kung mag papakiramdaman lang kayo wala talagang mangyayari kaya mas better kausapin mo na sya kung anong plano nyo.

VIP Member

Magipon ka mamsh ng hindi alam ni hubby. Maghigpit ka sa budget yung tipong mararamdaman nya na super sapat lng or kulang pa sa inyo yung kita mo. Baka sakali lng nman mauntog tas marralize need nya na maghnap ng work.. Kaloka.