Preterm Child Birth at 36 weeks

So here's the story, 8:30 am nagising ako na basang basa yung underwear and bottoms ko, nagpanic ako kasi hindi siya amoy urine kaya tinawag ko na mga kasama ko sa bahay kaso nalate ako ng punta ng hospital kasi sinabi nung tita ko na baka daw nagbabawas lang ako ng tubig etc kasi wala kong nararamdaman na contractions kaya nagpacheck muna kami sa malapit na lying in. Then 10 am don nagstart yung contractions ko kaso nandun pa din kami. To make the story short, mag 2pm na kami nakapunta ng hospital kaya nag undergo ako caesarian operation (at 4:30 pm) kasi maagang pumutok panubigan ko baka daw magkacomplications na si baby. Ilang hours na nakakalipas wala pa kong balita sa baby ko. So worried na ako kasi last na sabi sa husband ko ay need siyang obserbahan kasi nahihirapan siyang huminga plus natuyuan siya dahil sa matagal na since nung pumutok yung panubigan ko. Gusto ko siyang makita kaso di pa ko nachecheck ng OB ko kung pwede na ba ko tumayo at maglakad lakad. Please pray for my baby. πŸ˜₯😭 #firstbaby #1stimemom #pleasehelp

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello update po sorry ngayon lang. nagnormal po si baby sa lahat. After 5 days namin sa hospital naisama na din namin siya pag uwi. Sobrang strong ni baby kaya nakakaproud. 😭

3y ago

Thank you. Mabilis lang ang panahon mommy makikita mo rin si baby mo. Congrats satin!! πŸ₯°

VIP Member

Hi mamshie kamusta na kau ni baby? πŸ™β€οΈ I pray na good newsπŸ™πŸ’•πŸ’•πŸ’•

πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

congrats!