Nakakapagod nang ikaw lagi ang nag iisip sa loob ng bahay.
Stay at home ako kasi walang magbabantay sa anak ko. Asawa ko lang ang nagtatrabaho, tapos buntis pa ako ngayon. Nakakastress na sobra kasi yung kinikita niya di ko na alam kung paano uunatin. Kita nya nasa 5k kinsenas bayarin sa tubig at kuryente, bayad sa homeroom ng anak namin (monthly ito), pambayad sa uniform ng bata, gamot ko rin sana dahil nga buntis ako. Paano na? Budget pa namin sa araw-araw at pamasahe, at pang gas nya sa motor. Saan ko namin kukunin lahat yun kung sa pag kain pa lang di na sasapat. Gusto kong magwala, o maglaho na lang kasi awang awa na ako sa sarili ko, sa araw-araw na binigay ng Diyos lagi ko nang tinatanong sarili ko kung ito pa ba yung buhay na gusto para sa pamilya ko? Hindi ko man lang maibigay ung mga bagay na para sa anak ko, para sa pamilya ko at sa sarili ko. Bahay at eskwelahan lang ako ng anak ko. Araw-araw nag uunti unting maglaba, tuturoan ko pa anak ko para irefresh sya sa studies nya, maglilinis, magluluto, magtutupi ng mga natuyong sinampay. Hindi ko na alam kung saan ko huhugotin lakas ko. Wala akong sariling kita, minsan nalilipasan na ng gutom kasi mas uunahin ko pa anak ko. Pagod na ako mag-isip! #Tiredmom



