7 Replies

Ganyan nga daw ang nararamdaman pag nagkaanak na. Kasi siguro dahil din sa pagod, parang mas pinipili mong magpahinga imbes makipagloving loving kay Mister. At plus din yung nakasanayan niyong wala siya. Pero diba dapat mas excited ka, kasi sa 5days na di niyo nakasama si mister e, dapat mas sabik ka talagang makasama siya? Di din po ba sweet sainyo si Mister? Ano po ba pakikitungo sainyo ni Mister mo? Share ko lang. Ang asawa ko kasi tuwing nauwi yan galing work, kahit alam kong pagod dinnsiya tatabi sakin tas kakamustahin ako. Yakap konti ganun. Nakakawala din kasi ng pagod yung ganon mga simpleng gestures ba. Kaya talagang mamimiss mo, at naeexcite ka din talaga pagnagkita kayo at nauwi siya.

You have a new person na kakikilala mo pa lang and it's your baby. Siguro nalipat yung excitement mo, attention mo sa baby mo. And maybe nasasanay ka nang most of the time hindi mo nakikita partner mo. And it's okay. The same with me, nung preggy pa lang ako, super clingy ako kay husband. Pero nung dumating na si baby, parang nadivert yung attention ko sa kanya. Tapos syempre mag isa lang ko nag-aalaga, pag nauwi sya galing work parang wala na akong energy para makipag kwentuhan sa knya tapos sa gabi wala ng cuddle, sleep is life na lang habang tulog din si baby. But it does not mean i love my husband less.

It's normal, kasi yung attention mo is nasa baby mo, and hormones yan. As long as OK kayo ng fiancée mo that's fine. Huwag mo lang ipa feel sknya na ganyan nararamdaman mo. And medyo na ateast ka ulit kasi nasa parents mo ikaw, imbes na cya kasama mo to take care of your baby e mommy mo. Which is OK lang naman. And alam mo naman sa sarili mo na mahal mo cya. May mga ganyan times talaga kasi nadivert na attention mo sa baby mo. Pag malaki laki na si baby at kinasal na kayo I'm sure babalik ulit yung gigil at kilig factor mo sknya.

May ganyang naging feelings ako nun sa asawa ko pero wala pa kami anak, yung biglang parang ayoko na sakanya, yung napipilitan lang akong makipag cooperate pag nag sex kami, yung ayoko siang makita dko alam kung bakit yung bwisit ako sakanya kahit wala naman sia ginagawa. Pero darating din yung time na marerealize mo mismo kung mahal mo talaga sia or hindi na darating kayo sa puntong ganon at dun mo masasabi, lalo may anak na kayo, Diyos ang mgpaparealize sayo nian kung ano talaga ang totoong feelings mo sa asawa mo believe me.

mommy hormones po yan 😅normal na normal po. Pag nanganak po kase tayo nagbabago hormones natin para mkapagproduce ng milk for our LO, tingin ko din po para maalagaan ntin babies natin. Mas mahal ko na Baby ko kesa sa asawa ko 😂 hahaha. Pagusapan nyo nlng po ni mister yung nararamdaman mo. Para mas maintindihan nya, if nabobothered ka na isipin ni mister na cold ka na sa knya

Sabi nila kapag nagkaanak talagang nababawasan feelings natin sa tatay ng anak natin. Kasi lahat nasa baby na. Ganyan din ako sa soon to be husband ko sakto lang kapag kasama ko sya lagi ko ngang sabi sa knya na dati mahal na mahal kita ngayun mahal kita kasi lahat na kay baby na..

Baka po sa stress and busy sa pag aalaga ng baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles