Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

Dissappointed sa OB
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis we understand na kapag buntis ang babae emotional,na mas gusto naten na ung tao sa paligid naten is caring and concern saten lalo na ang OB. Pero kasi sis napaka delikado ng lagay mo at ng baby mo kasi pwd kayo mamatay pareho or isa sainyo mamatay. Ayaw ng OB mo na umabot kayo sa punto na yun. Isipin mo baka meron din pinagdadaanan ang OB mo at nataon na panget ang mood nya kaya hnd maganda ang approach nya sayo. If ganun na sya before sana naghanap ka ng ibang OB na mas makakagaanan mo ng loob kaso its too late na dhil malapit ka na din sa 9th month mo saka if ganyan din naman sasabihin ng other OB sayo might as well sunod ka na lang. Safety nyo lang ang priority nya. Sa mga buntis dyan lalo FTM,ugaliin pong mag search at umunawa sa mga bagay patungkol sa pagbubuntis dhil tandaan meron isang buhay kang dinadala. Minsan kasi indenial tayo eh kaya ate kung pera ang problema nyo kaya ayaw mo ma-CS now plang public ka tpos hanap na kayo extra pera.

Magbasa pa

Hugs mommy. agree din sa ibang mommies na concerned lang si OB sayo kasi 38weeks ka na at mataas pa din BP mo hindi na siya madali mahabol. Minsan mommy pwede ka mag research sa net or sa apps like TAP ano pwede gawin o remedy kapag may nararamdaman ka. like ako placent previa for two months na, kapag di pa daw tumaas ang placenta by Sep 15 ma CS ako. Bukod sa sinabi niyang Bedrest at mag pa UTZ sa September 15, ako na mismo nagmomonitor sa sarili ko kasi once a month lang kami nagkikita, nagbabasa basa ako, nag tatanong tapos twice a week ako magpa UTZ para alam ko kung may improvement yung gngwang kong bedrest di ko na hinihintay yung request ni OB for utz. Thank God on my 36th week tumaas ang placenta ko and hopefully magtuloy tuloy na at mag normal delivery. Wag ka matakot mommy, kung ma CS ka man madami sure na tutulong sa inyo. God will provide 🙏😊

Magbasa pa
VIP Member

Mommy concern lang si ob sayo hindinlang siguro kayo nagkaintindihan sa approach nya sayo regarding your CS. kung mataas po kc ang BP mo baka candidate ka sa preeclampsia at para ma prevent ang masmalalang sitwasyon na dulot ng mataas na BP mo CS or delivering your child asap is the best option pwede ka kasing mag seizures, pwede ding maapektuhan ang kidneys mo kapag nangyari yun or pwede kang magheavy bleeding. Worse sa sobrang taas ng bp mo mag slow ang blood flow at oxygen supply ni baby. Hindi kita tinatakot, gusto ko lang ma view mo yung mga pwedeng mangyari walang gamot ang preeclamsia kundi awareness. And be thankful enough dahil late nagpakita ang symptoms mo fullterm na si baby. My preeclampsia baby was born too soon via emergency c-section. Sending prayers and good thoughts for you moms.

Magbasa pa

Kung un Po tlga Ang protocol Sana Po Kasi inayos ni Ob Ang pag papaliwanag d Po ung papagalitan nya si mommy , need Po Kasi nating mga buntis na d mag alala so dapat Alam na din un ni OB so ang option ni OB para makumbinse si mommy ay ipaliwanag at iorient nya sana bkit ganun ginagawa at Alam Kong papayag nmn si mommy nyan at d na sya makakaramdam Ng ganyan. Minsan Kasi Ang mga doctor feeling mo mga superior na sila , nsa mga sinumpaan nila na gamutin at isaalang alang ang kapakanan Ng patients nila Kasi wla tayong mga Alam sa professions nila so need nilang ipaliwanag Ng maayos. Mommy advise ko sayo na lakasan mo Lang loob mo at itanong mo sa OB mo Ang mga bagay na di mo Po Alam pra d ka na Po makaramdam Ng kahit anong pag aalala. :) Praying for your safe delivery

Magbasa pa
4y ago

un nga po...sana man lang me mas maayos na explanation at me sinusuggest syang mga test para mapalagay man lang ako... kung wala na talagang way..papayag nmn po ako na cs e..

hello mommy same tayo ng situation 37 weeks and 3 days na ako pero start 5 months lumabas n yung sign ng taas ng bp ko sunod lang ke ob ganon talaga para sayo din yan ginagawa ko nagsesearch din ako sa mga bagay na sinasabi nya at don ko mas lalong naiintindihan kung san mas safe mommy don tayo kahit ako takot ako macs pray lang at magtiwala ke ob mas nakakataas ung lagi kang mag aalala at mag iisip mahirap magrelax😅pero alang choice ipanatag natin ang ating kalooban schedule ako iinduce by tuesday good luck satin lahat pero andon na ko sa isipin na baka macs ako mahirap pero kakayanin para sa kaligtasan nang baby natin🤗ingat mommy patuloy na magdasal mas nakakalalkas ng loob ang laging pagtawag sa kanya☝️

Magbasa pa

We can't judge your ob, pwedeng partial lang yung shinare mong info sa amin. Di naman spoonfeeding lagi ang ob sa atin dahil tayo anf unang responsable sa health ng dinadala natin. But tama sya na dapat ay cs ka, wag mong ipilit gusto mo kasi nakakamatay yan. And yes dito palang sa post, MATIGAS ANG ULO MO. Kahit nga normal bp biglang tumataas pag in labor na dahil may mga taong tumataas ang bp pag nakaramdam ng pain kaya emergency cs sila. Minsan napapalaki pa bill dahil si baby nakatae na sa loob sa sobrang stress nya. Ngayon if gusto mong ipilit ang nsd dahil walang budget for cs, ngayon palang gawan mo na ng paraan. BtW, cs din ako sched sa 37th week to 38 week ni baby. Hypertension din.

Magbasa pa

mumsh pre eclampsia po yan ganyan po ako nung 37 weeks sa 1st baby ko. niresetahan din ako ng aldomet. ang ginawa ko po nun everyday nagccheck ako ng bp morning at hapon para malaman ko what time nagsspike. then on 38th week pinakita ko sa ob ko yung monitoring, pero tumataas po talaga kaya nasabi nya na di po ako pwedeng umabot ng 39weeks. nagpakatagtag ako non para bumaba na si baby kasi kung di mag oopen ang cervix ko within 38 week period ecs po talaga. risky po kasi talaga yun mumsh pero nairaos ko po ng normal kasi di po ako umabot ng 39weeks saka during delivery todo bantay sila kung aabot sa 150/100 ang bp ko kasi itutuloy daw talaga na ecs kung ganon kataas

Magbasa pa
4y ago

Kaya nga po e😢 pinagdadasal ko tlga ngayon na sana tulungan nmn ako ng baby angel ko na ibulong sa panginoon na sana bigyan naman ako ng healthy pregnancy at healthy baby kahit isa lang kc 34 na ako wala pa akong anak na maaalagaan😇🙏

Hi sis. I understand na ganyan ang nafeel mo. pero concern lang sayo ang OB mo. Nung nagnunurse pa ako noon, kapag mataas kasi ang BP ng buntis,sobrang risky magnormal delivery. you can research about it its called preeclampsia. ayaw ka lang irisk ng OB mo. at the end of the day,your safety and your baby ang nakasalalay and yung pag CS sayo might be the best option. Pero kung disaapointment ang nafeel mo sa care nya,Valid naman ang feelings ng lahat and yung ginawa nyang papel na kailangan mong pirmahan,that is required kung hindi or ayaw makipagcooperate ng patient sa payonng doctor. praying for you and your baby. Godbless.

Magbasa pa

38 weeks kana po misis..... Full term na.. And mataas pa din bp mo.... Hindi na ngsuggest nang laboraoty test yung ob kc sa klagayan mong yan.. Pwede kana tlgang i. Cs.... Yung lab test wala na rin nmng kwenta kc mataas padin bp mo.... Cguro.. Ngmamadali na rin yung OB mo.. Kasi mas maaga ka macs mas safe kayo ni baby.. Kya hindi kana bingiyan pa nang options... Atleast... Hindi kana pinaasa ng OB mo ng normal2.... Kc wat if medyu patagalin pa.... Tas mas tumaas lalo bp mo... Edi manenelikado kayo ni baby.... Mas risky yun.. Nkkatakot at mgastos ma. cS... Pro kung doon naman mas safe kyo ni baby... Why not.

Magbasa pa

mas maganda po na sundin na lang ang ob dahil ganyan din po ako laging nasa 130/80 bp ko simula nag buntis ako sa pangalawa ko sa center normal lang daw yung bp ko pero nung lumipat na ko ng Ob pinag maintenance nako ng Methyldopa same lang sa gamot na pinapainom sayo, delikado po kasi talaga kapag tumaas Bp habang buntis kasi sa panganay ko biglang taas ng 210/110 bp ko kaya 8mos lang napa Cs na agad ako. sobrang delikado kaya mas magandang sundin kung ano yung mas nakakabuti para sa inyo ni baby. 🥰 GODBLESS sa inyo , 33 wks n 5days na ko ngayon , 3x a day ko iniinom yung methyldopa 😊 Goodluck satin 🥰

Magbasa pa