Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

Dissappointed sa OB
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis we understand na kapag buntis ang babae emotional,na mas gusto naten na ung tao sa paligid naten is caring and concern saten lalo na ang OB. Pero kasi sis napaka delikado ng lagay mo at ng baby mo kasi pwd kayo mamatay pareho or isa sainyo mamatay. Ayaw ng OB mo na umabot kayo sa punto na yun. Isipin mo baka meron din pinagdadaanan ang OB mo at nataon na panget ang mood nya kaya hnd maganda ang approach nya sayo. If ganun na sya before sana naghanap ka ng ibang OB na mas makakagaanan mo ng loob kaso its too late na dhil malapit ka na din sa 9th month mo saka if ganyan din naman sasabihin ng other OB sayo might as well sunod ka na lang. Safety nyo lang ang priority nya. Sa mga buntis dyan lalo FTM,ugaliin pong mag search at umunawa sa mga bagay patungkol sa pagbubuntis dhil tandaan meron isang buhay kang dinadala. Minsan kasi indenial tayo eh kaya ate kung pera ang problema nyo kaya ayaw mo ma-CS now plang public ka tpos hanap na kayo extra pera.

Magbasa pa