Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

Dissappointed sa OB
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas maganda po na sundin na lang ang ob dahil ganyan din po ako laging nasa 130/80 bp ko simula nag buntis ako sa pangalawa ko sa center normal lang daw yung bp ko pero nung lumipat na ko ng Ob pinag maintenance nako ng Methyldopa same lang sa gamot na pinapainom sayo, delikado po kasi talaga kapag tumaas Bp habang buntis kasi sa panganay ko biglang taas ng 210/110 bp ko kaya 8mos lang napa Cs na agad ako. sobrang delikado kaya mas magandang sundin kung ano yung mas nakakabuti para sa inyo ni baby. 🥰 GODBLESS sa inyo , 33 wks n 5days na ko ngayon , 3x a day ko iniinom yung methyldopa 😊 Goodluck satin 🥰

Magbasa pa