Palabas ng sama ng loob ?

Sorry mga sis if medyo madrama at mahaba. Nagstart kasi yan sa Year end party sa work nya. Before yung araw ng party, edi nakuha na nya yung 13th month nya. Sabi ko pasyal kami. Umoo sya. Pero nauwi lang sa pagod yung alis namin. Naawa ko sa anak ko. Kakahanap lang ng susuotin nya sa party nila, mula ulo hanggang baba, lahat gusto nya bago ung susuotin nya. Samantalang yung anak ko, di manlang mabilhan kahit na pares ng damit. Tapos eto na sa party, napanood ko yung live ng kawork nya. Ang saya nya besh nagsasayaw sila. umakbay pa sa kanyang babae. Binulungan sya tapos hinawakan nya sa bewang. Tapos nagtawanan sila. Hinawi nya yung cam para di itutok sa kanila. Di nya alam na LIVE pala. Nung sinabi nung recorder na "makikita to ng asawa mo" naghiwalay sila. Tapos umupo sya sa sulok. Eh di ako nag hurumentado. Nagalit ako. Feeling ko down na down ako sa sarili ko. Iyak ako ng iyak. Losyang na losyang na kase ako mga sis. 2 y.o na baby ko at buntis pa ko mga 3to4 mos( never pa nya ko pinacheck up) Di ko kinaya ung insecurities ko, inaway ko sya. Oo inamin nya na naghappy happy sya kasama yun. Pag uwi nila galing moa, di sya nagpaalam sakin na didiretso sila sa M2 Bar. Dec 18 un nangyari. Grabe sis. Parang niyurakan ako. Nakipag hiwalay ako. Relate na relate sakin yung kantang "Di lang ikaw" nasasaktan kase ako ng sobra. Tapos ngayon dec 21. Natiis nyang di ako kausapin, kamustahin, kamustahin anak ko. Or mag sorry. Alam mo yun, para bang ang pride nya. Para bang okay lang sa kanya. Ang sarap nya buhusan ng kumukulong asukal. Dati konting away lang susuyo yan, ngayon? Mas galit pa sya. Di talaga nya ko kakausapin. Normal lang ba yun? Alam kong may mali ako. Nag aantay ako ng lambing nya, ng suyo nya, ung masabi manlang nya na namimiss nya ako. Kami ng anak ko. Sya, masaya sya. Nagpopost sya sa myday nya na gusto nya ng Cap sa pasko, nag lalike sya ng mga pics. Samantalang ako. Iyak ng iyak sa gabi. Parang pinatutunayan nya lang kase sakin na hindi kami mahalaga sa kanya. Lalo na ako. ? na may bagong nagpapasaya na sa kanya ?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh nakakalungkot naman. Ang hirap talaga pag sobrang bait, naabuso na talaga. Kung ako sa'yo mommy ignore him. As in parang di siya nageexist. Iunfollow mo sa fb pero wag ml iblock tapos start doing things na nakakapgpasaya sa'yo before pa na makita mo siya and do it with your kid. Ipakita mo sakanya na hindi siya kawalan sa buhay niyo. Magpost ka din sa my day and sa facebook. Lumabas ka with friends and kasama anak mo, libangin mo yuny sarili mo. To be honest mahirap ibalik yung love pag natabangan na kaya mas maganda if wag mo na ipilit. Ibang usapan though if kasal kayo. Pag kasal kayo hanap and wait kalang ng evidence saka mo sya idemanda pati kabit niya para sa kulungan sila happy happy. Anyway, alam ko mahirap gawin pero pilitin mo hanggang sa maging happy ka na talaga without him. Minsan kasi akala naten hindi tayo makakasurvive pero yung totoo sila yung di makakasurvive without us, marerealize niya din yon pero wag kang umasa syempre. Pag narealize nya yon feeling ko over ka na din sakanya. Anyway, focus ka muna sa babies mo. Ignore his existence.

Magbasa pa
6y ago

Buti nga sis hindi kami kasal sis. Nasasaktan ako ng husto kasi natitiis nyang ganito sitwasyon naming dalawa. Natitiis nyang di ako kausap. Ni sorry, wala..alam mo yun sis. Alam nyang dito lang ako sa bahay. Alaga bata. :(