Palabas ng sama ng loob ?

Sorry mga sis if medyo madrama at mahaba. Nagstart kasi yan sa Year end party sa work nya. Before yung araw ng party, edi nakuha na nya yung 13th month nya. Sabi ko pasyal kami. Umoo sya. Pero nauwi lang sa pagod yung alis namin. Naawa ko sa anak ko. Kakahanap lang ng susuotin nya sa party nila, mula ulo hanggang baba, lahat gusto nya bago ung susuotin nya. Samantalang yung anak ko, di manlang mabilhan kahit na pares ng damit. Tapos eto na sa party, napanood ko yung live ng kawork nya. Ang saya nya besh nagsasayaw sila. umakbay pa sa kanyang babae. Binulungan sya tapos hinawakan nya sa bewang. Tapos nagtawanan sila. Hinawi nya yung cam para di itutok sa kanila. Di nya alam na LIVE pala. Nung sinabi nung recorder na "makikita to ng asawa mo" naghiwalay sila. Tapos umupo sya sa sulok. Eh di ako nag hurumentado. Nagalit ako. Feeling ko down na down ako sa sarili ko. Iyak ako ng iyak. Losyang na losyang na kase ako mga sis. 2 y.o na baby ko at buntis pa ko mga 3to4 mos( never pa nya ko pinacheck up) Di ko kinaya ung insecurities ko, inaway ko sya. Oo inamin nya na naghappy happy sya kasama yun. Pag uwi nila galing moa, di sya nagpaalam sakin na didiretso sila sa M2 Bar. Dec 18 un nangyari. Grabe sis. Parang niyurakan ako. Nakipag hiwalay ako. Relate na relate sakin yung kantang "Di lang ikaw" nasasaktan kase ako ng sobra. Tapos ngayon dec 21. Natiis nyang di ako kausapin, kamustahin, kamustahin anak ko. Or mag sorry. Alam mo yun, para bang ang pride nya. Para bang okay lang sa kanya. Ang sarap nya buhusan ng kumukulong asukal. Dati konting away lang susuyo yan, ngayon? Mas galit pa sya. Di talaga nya ko kakausapin. Normal lang ba yun? Alam kong may mali ako. Nag aantay ako ng lambing nya, ng suyo nya, ung masabi manlang nya na namimiss nya ako. Kami ng anak ko. Sya, masaya sya. Nagpopost sya sa myday nya na gusto nya ng Cap sa pasko, nag lalike sya ng mga pics. Samantalang ako. Iyak ng iyak sa gabi. Parang pinatutunayan nya lang kase sakin na hindi kami mahalaga sa kanya. Lalo na ako. ? na may bagong nagpapasaya na sa kanya ?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Di ko alam kung makakatulong yung sasabihin ko sayo.. Sis Pero ramdam kita mula umpisa pa lang ng kwento mo.. Kase ganyan din nangyari sakin.. Ehh Kapag kase alam ng mga lalaki na hahabol habol ka sa kanila mas lalung mag mamataas yan.. Pero pakita mo din sa kanya na kaya mo.. Din maging masaya kahit wala sya o yung tulong nya kase kung tlagang mahal ka nya at ng mga anak nya.. Im sure gagawa ng way yan para makita at makausap kayo.. Hindi nyo deserved na mag dusa ng ganyan.. Tandaan mo sis bilog ang mundo kung sya nagagawa nyang mag pakasaya Hayaan mo at my awa ang diyos way nya lang yan para tumatag ka pa at mas maharap mo ng maayos yung hinaharap lalu na ngayun sa mga anak mo.. Im sure ngayun lang kayo mahihirapan pero darating yung time na makakaraos kayo ng wala yung tulong nya.. Be strong sis.. Di mo kailangan mabuhay sa pakupas nyang pag mamahal.. Bless ka parin kase my mga anak ka na panghuhugutan ng lakas kaya pray ka lang ng pray πŸŒˆπŸ˜πŸ’•πŸ‘Œ

Magbasa pa
6y ago

i agree again sayo momsh chixsilogπŸ˜ŠπŸ‘πŸ‘πŸ‘