account for ML

Sorry in advance for ranting this here. Ayaw ko lang sa soc. Media ko kasi madami magtatanong na kakilala ko. Hihi 13weeks preggy ako. Dec2018 kami kinasal pero 7yrs in a relationship kami. 20months in praying and hoping na sana ibigay na. LDR kami, dulo to dulo ng Pilipinas. May this year ng malaman ko na may nakablock sa msgr nia na babae. So nagtaka na ako kasi bakit sya nakablock. Upon confronting sabi nia ex yon ng kawork nia. At pinablock sa kanya ng kawork nia kasi nagchachat sa kanya at kinakamusta ang ex. Pero upon searching his msgr wala naman sila previous convo ni girl. So hinayaan ko na. Tiwala pa din. And by the way, ganon ako kasensitive sa ganong bagay kasi yr 2016 nong mahuli ko din sia sa msgr. May chinachat din, insurance agent nia at hinihintay pang may mangyare sa knila. New yrs eve non ng kachat nia, sakto sa putukan. Galing! Ayon, wala na insurance nia ngaun kasi nagfile na insurance nila ng bankruptcy. Nawala na lang 75k nia ng dahil don. Babae kasi pinagbasehan sa pagpili ng insurance. Tsk! Back to present, ayon nalaman ko nga na may isa pa siang acount. Sabi niya for ML nia daw yon para mapataas nia ang rank. Pero dito ko nakita na ndi nakablock ung girl na ex ng kawork nia, friend nia pa at hinaheart pa nia mga picture nito na nakaswimsuit! Ndi kasi ako ang type ng babae na petite and sexy. Ndi din ako nagpopost sa socmedia ng sexy na dmit or ung nakaswimsuit. Nong tinanong ko sia, sabi nia nagpunta daw kasi sa company nila ung babae at ex nga daw ng kawork nia. Which is ndi nia sinabi sakin the first time na tinanong ko sia last May. The fact na nagsisinungaling sia ang nagpapatrigger sakin. Plus yong tatay nia alam ko may babae pero martir lang mama nia kaya ndi nagiging issue. Iniisip ko kung hiwalayan ko na lang sia kahit pa kasal kami. Parang hindi ko kaya na ganto palagi kami. Parang ayaw ko umabot na mahuli ko siang may babae bago ko pa sia iwan ๐Ÿ˜ญ Ganon ba talaga sa ML need na madaming accnt sa fb para makarank? Pasensya na mga mommy ang haba. ๐Ÿ™

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy I know you love your husband kaya nasasaktan ka. But take some credit sa self mo. Don't let yourself na ma focus nalang sa ganun. Try to cultivate yourself for your baby, wag ka mag dwell masyado baka kasi ma stress ka and it isn't good para sa baby. Alam mo mommy, hindi naman kasi ako naniniwala na ga gawa talaga nga acc para lang sa ML to rank up. Kasi nga last time nung ako yung gumawa ng acc for school. Parang nagalit si hubby, ayaw lang mag sabi. He kept asking me na "need mo ba talaga yan?" or "wag ka mag online pag hindi school hrs" but wala naman akong plan to cheat and I'm very open kasi sa lahat. Ganun din si hubby kasi when I asked bakit sya nag rereact sa girl na friends nya sa fb. Sabi nya, friend nya daw kasi yun and he did introduced me to some of them at naikwento nya lahat ng ex nya. Sa part ko kasi, close si hubby sa girls na Coworkers nya. Alam nyang nag, seselos ako but I didn't do much din naman. Kasi pinagsabihan ko na pag may Mali syang gagawin tatadtarin ko talaga yan. Basta mommy! Kasi pregnant tayo, let's not worry about those and do the best para alagaan ang mga baby natin kasi affected sila sa ganon plus, if mahal talaga nila tayo they won't do a thing to hurt us or betray us. Be strong talaga mommy when it comes with handling those stuff sa hubby mo ha. Be tough if you have to but always listen sa side nya at the same time.

Magbasa pa
4y ago

gusto ko Yung wag mag focus na lang na hulihin si hubby. . ๐Ÿ˜ Tama Yun..

Nagloloko yan mommy! Kaya madaming palusot specially games ang ipinalusot syo kasi baka di ka familiar sa kalakaran ng gaming. Gamer din po ako. And believe me, isang account/email lang ang gamit ko sa lahat ng games na nilalaro ko, at ipinaalam ko din sa asawa ko para sa transparency ng relationship nmin. Kung gusto nya tumaas ung rank nya sa ML, hindi nya po kailangan gumawa ng madaming email add. Kailangan lang nya laruin magdamag yung account nya and manalo sa game consecutively for him to be able to achieve a good rank. Hindi po rason yung madaming account.

Magbasa pa

kausapin mo muna. and make things clear about what you want.. ngayon pag may nahuli ka.. Ska ka umalis. kasuhan mo na rin para lubos na. hehe wag masyado advance sis. bka napaparanoid ka lng din Po.. or natatakot siya mag Sabi Kasi mabilis k maparanoid or maghinala. ๐Ÿ™‚ pero Kung tingin mo Po nag loloko na husband mo, agapan mo n, bgyan mo n Ng ultimatum.. and don't afraid to leave him. hingan mo n lng sustento para sa anak niyo.

Magbasa pa
VIP Member

If for ML nya gagamitin yun, bakit kelangan nya magheart? Palusot nya kamo bulok. May trust issue na din ikaw sa kanya sis. Pinakabest na gawin dyan, kausapin mo si hubby mo na di mo gusto yung mga ginagawa nyang paghaheart. If di nya titigilan yung ML nya ang buburahin mo. Hehe. Usap lang kayo ng maayus.

Magbasa pa

maghanap kpa ng ebidensya. and/or,confront the girl. hindi ko nilalahat. pero once ang lalaki magloko,magingat kna sa mga susunod nyang kilos. kasi hindi na nakakagulat kung mambabae siya ulit.

hindi na kailangan ng fb acct. to rank up sa ml.. hehe may tinatago yan for sure..

Nope di rason un sis knya nalang ung mL kuno. My tntago yan kya ganyan.