RANT

sorry. di ko lang po mailalabas yung pagkairita ko sa mga bagay bagay.... nanganak ako cs at pinag bawalan ako nang ob ko gumalaw nang bongga.. ok. pero sapilitan parin akong gmglaw kase wala man lang tumutulong skin ni asawa ko na dapat tumutulong skin e nandun sa labas nakatutok sa phone at nag MML. di ako umiimik baka sakaling makiramdam man lang pero wala.. ni hindi man lang mabantayan si baby saglit para man lang makaligo ako sandali alam nyo naman naman na sobrang hirap gumalaw dapat dahan dahan lang pero no choice kailangan mabilisan talaga kahit na matrabho lalo na yung pag lilinis nang sugat. ??? naiiyak na ako. di ko na alam, naghalo halo na lahat pati puyat... ako lang ang nagpupuyat di ko na sya ginigising kahit antok na antok na ako,kahit na sarap sya sa tulog nya humihilik hilik pa pero kinaumagahan akala mo kung umasta sya yung napuyat at pagod... gigising diretso sa labas mag ML. nag rarant pa skin na natalo sya laro.. smantalang ako di makapag rant sknya na pagod na pagod ako gusto ko magpahinga... pag dasal nyo ako mommies na sana magbigyan ako ni lord na maraming maraming lakas at mahabang mahabang pasensya pa... feeling ko kase para akong bomba na onting mali lang sasabog na... gusto ko mag bakasyon o maka hinga naman nang onti para marefresh yung utak ko kase nag halo halo na e. pagod,puyat,stress, yung sakit.. halos di na ako makakain,pinipilit ko nalang para kay baby... advisan nyo ako ano ba dapat kong gawin para refresh utak ko.. ayoko makain nang sistema nang ganito..gusto ko iiyak pero baka makaramdam si baby nang lungkot kase sabi nila pag malungkot ang mommy mararamdaman ni baby... ang gulo gulo.????

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Much better po mamsh kausapin niyo po si hubby mo para aware siya sa nangyayari sayo. Hindi lang naman ikaw dapat ang nasa battle na ito kundi kayong dalawa mismo. Kausapin mo na hirap ka pa din makakilos at kung maaari tulungan ka niyang magalaga muna kay baby. Iapproach mo siya sa paraan na di niya ramdam na nagrarant ka sa kanya like kapag kakain kayo or bago matulog. If di ka pa din niya tulungan pwede ka naman humingi ng tulong sa family mo kahit hanggang humilom lang yung tahi mo kasi if ever na may mangyari pa sayo mas malaking abala pa yun. Fighting mamsh for baby 💕

Magbasa pa