depressed at 7 months pregnant

can somebody,Kahit sino manlang makapansin neto, 7months nako nagbubuntis. Sobra po nagagawa ko sa sarili ko pag depressed ako. nakakalmot ko balat ko, hinihila ko buhok ko at madami pong nagtatanggalan sa sobrang paghihila ko. Nagagawa ko po yon nang hindi ko nararamdaman ung sakit kasi sobrang nasasaktan ako mentally. D matigiltigil na iyak, namamaga na mata't ilong, balisa, tulala, ta iyak nanaman.. ni walang masabihan nang problema.. ang sakit isipin na kung sino pa mahal ko siya d makaintindi sakin.. kaya imbis na intindihin ako pagagalitan pa kahit mababaw ang dahilan d nya alam gaano kasakit sakin😥 help me. Mas ninanais ko pang mamatay nalang sa sobrang depressed. Umiiyak nanaman ako ngayon at andaming galos sa katawan ko. di ko na alam ano pa magagawa ko sa sarili ko kahit anong paliwanag ko sa kanya.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy ikaw lng makakaintindi sa sarili mo pag nagkakaganyan ka isipin mo si baby kung ano itsura niya paglabas pati sya magiging kakampi mo. Asawa ko din ganyan sakin itinatapon pa nga ung mga pagkain na binibili ko pag naglilihi ako kasi ayaw niyang nakikitangk inakain ko ung mga gusto ko nadepressed din ako nun pero laban lng kaso iniisip ko paglabas ni baby kami lng magkakampi at mas mamahalin ko sya kasi akin sya kaya mo po yan 🤗

Magbasa pa
5y ago

Katulad ngayon momsh narerealizd ng asawa ko mas mahal ko anak ko at kaya kong wala sya kaya natatakot sya na di na ako marupok sa kanya hahahaha