help

18 weeks nakong pregnant at sobrang depressed ko na to the point na gusto ko ng mag suicide, sobrang dami ko ng problema at hindi ko na alam kung anong gagawin ko wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak ni wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko sobrang hirap na, kahit dito man lang may mapagsabihan ako.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mamsh.. alam mo mamsh lahat tayo may pagsubok sa buhay.. minsan indi natin alam bakit ba nangyayari lahat ng to satin.. para ba parusahan tayo.. pero alam mo mamsh binigay mi GOD yang pagsubok mo kung hanggang saan ka kakapit at maniniwala sa magagawa nya para sayo.. keep in mind na sa tuwing manghihina ka.. ipikit mo lang mata mo.. ipagpray mo at ilapit lahat ng mga pinagdadaanan mo na palagay mo di mo na kinakaya.. hingin mo kay GOD na sana mas lalo ka nya palakasin patatagin para kay baby.. tandaan mo mamsh marami yung naghahangad magkababy pero di sila mabiyayan..whatever situation na meron ka still its a blessing.. saka for sure mamsh binigay yang pagsubok na yan para ilead ka sa mas magandang future para sainyo ni baby.. pinapatatag ka lang ng pagsubok.. KAYA MO YAN.. MANIWALA KA KAY GOD AT SA SARILI MO..

Magbasa pa

lahat ng problema may solusyon, lahat naman ng bagay sa mundong to pansamantala lang, kasama na ang mga problema mo. minsan iniisip natin na tayo na ang may pinakamabigat na problema sa mundo pero ang totoo meron pang may mas mabigat na problema kesa sa atin pero sinisikap nilang harapin. sabihin mo lang sa pamilya mo or malapit na kaibigan mo yang pinagdadaanan mo, minsan sapat na ang pagkaalam na may nakikinig satin na may nakaaunawa sa pinagdaraanan natin. try to smile lang, kahit malungkot ka sa ngayon kapag sinikap mong ngumiti gagaanan ang pakiramdam mo. always pray, walang imposible sa Diyos. lagi mong isipin ang kapakanan ng unborn baby mo, kapag nagpadaig ka sa depression maapektohan siya kaya dapat lagi kang magpakatatag para sa kanya.dont lose hope sis

Magbasa pa
VIP Member

Hi mamsh, napagdaanan ko rin ang madepressed nung buntis ako. Pero pagkatapos ko umiyak, naiisip ko si baby. Naaapektuhan kasi si baby everytime na nasstress tau, everytime na umiiyak tayo at lahat lahat ng emosyon natin. Isipin mo nlng po muna si baby niyo, kasi ang problema hindi po matatapos yan. Pero si baby 9months lang po sa tummy niyo, at paglabas niya nawa'y di sya maapektuhan physically at emotionally dulot po ng depression niyo. Ako dati after ko umiyak ng umiyak because of stress sorry ako ng sorry sa baby ko. Pray lang mamsh and everything will be ok. Just prioritize your baby for now. Godbless po!

Magbasa pa

Never na naging solution ang suicide. And ngayon na preggy ka, hindi na lang sarili mo ang dapat mo isipin, kundi pati si baby na nakadepende sayo. At some point sa buhay natin dumadating talaga ung time na sabay sabay ung problema na tipong hindi mo na alam alin ang uunahin, pero ang pinaka magandang gawin mo ay ung kausapin mo si Lord, hingi ka ng tulong and guidance sa kung ano ang dapat mong gawin. Na linawan ang iyong pag iisip. Wag mo pabayaan sarili mo, lalo na ngayon kailangan ka ni baby. Try mo maging positibo sa buhay. Palakasin mo loob mo. Kaya mo yan mommy. Tiwala lang at dasal. 🙏❤️

Magbasa pa

hi there,ang masasabi ko lang sayo magiging ok din ang pakiramdam mo,lalo na pgnaramdaman mo ng gumagalaw ang baby mo..to be honest, halos ganyan din pnagdaanan q, hnd q nga lng tlga naisip mgsuicide pero sa sobrang problema,takot at kahihiyan gs2 q na lng masagasaan o maaksdenti habang nglalakad para parehas nlng kmi mawala ni baby..gabi2 dn aq nun umiiyak.pro nung nfeel q ng gumagalaw sya sa tyan q, sobrang ntuwa aq. hndi prin nmn madali pro kakayanin pra ky baby.kya ikaw din mkakaya mo dn po yn..

Magbasa pa

1 Peter 5:7 Cast all your anxiety on him because He (God) cares for you. Ito yung laging bumabalik sa isip ko pag may bumabagabag sakin. Iniiyak ko lahat sa kanya. Somehow, naiibsan yung nararamdaman ko. And so far, 100% naman na nakakasurvive ako kung anuman naging problema ko. Be strong, para kay baby. Isipin mo may buhay na unti unting nabubuo sa loob mo. Life is very precious. Di ko alam kung anung pinapagdaanan mo ngayon.. pero daanan mo lang. lilipas din yan, kahit gano kabigat. kakayanin mo. God bless you, sis.

Magbasa pa

Pray lang mommy ganyan din ako nung preggy ako mas maramdamin kasi tayo kapag preggy pero laban lang palagi mo iisipin baby mo sa lahat ng hirap mo kaoag nakita mo na baby mo ang masasabi mo wort it ang pagtitiis mo.. Wag mong hayaang matalo ka ng problema dapat talunin mo sila kasi kung magpapatalo ka hindi lang ikaw maaapektuhan kundi baby mo sa lahat ng action na gagawin natin baby natin unang maaapektuhan😊

Magbasa pa

Hindi solution sa problem ang suicide. Hindi mawawala ang problema pag nagpakamatay ka kasi ipapasa mo lang ng doble at mas mabigat yung problem mo sa mga taong iiwan mo sa buhay & hindi lang ikaw ang mawawala. Pati baby mo na walang malay is madadamay. Be strong lang po. Baka dahil preggy ka din kaya mas lalo kang nagiging emotional. Ako nga minsan na nalipasan lang ng gutom naiyak na eh. Kaya yan. :)

Magbasa pa
VIP Member

nako momsh! masama po stn mastress masstress din po si baby nantn nyan. kung ano po nrrmdamn ntn nrrmdamn ndn po ni baby. pray lang po tayo, may mga nadating po satin pag subok na di natin inaasahan sa una pero sabi nga po wala namang bingy ang God satin na problema/ pagsubok na di natn kayang lagpasan. mag dasl po tayo at idulog sa knya laht ng pains natn at sa paraang un malessen ung nrramdmn po

Magbasa pa

laban lang mommy ganyan den ako hanggang ngayon na 26 weeks na akong buntis pero iniiwasan kona magisip ng kung ano ano para hindi ako ma stress kase kawawa naman si baby 😔 wag kana magisip ng ikakasama nyo pareho ni baby isipin mona lang baby mo para maging masaya ka blessing sya ni God sayo sya ang makakapagpawala ng mga problema mo 🤗💖

Magbasa pa