First Time Mom

Can somebody help me po.. I am on week 13 day 1 of my pregnancy.. Pero bago ako mag week 13 lagi po ako galit sa asawa ko, kapag hindi ako tinetext nag aaway na rin kami minsan.. Kapag gabi umiiyak ako. Inaalala ko c baby kase baka ma apektuhan eh hindi ko rin naman masyado ma control minsan ang mood ko. Ano kaya dapat ko gawin. Dagdag pa ang ECQ baka na bobored na ako sa bahay kaya lagi ko na aaway c Mr.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha same mumsh. Parang nakakabaliw na ikaw mismo hindi mo maintindihan ang sarili mo. Sobrang liit na bagay galit na galit ka na. Napapaiyak ko pa si hubby sa sobrang galit ko nun di nya alam pano gagawin nya baka kung mapano si baby ksi stress ako. Bakit daw prang ang tindi ng ksalanan nya. Now naka adjust na din sya at naiintindihan nya moods ko. Nilalambing na lang nya ko instead na sabayan pa kpag nakikita nya nagsisimula na ko mainis. Super naaappreciate ko tlga sya. Narealize ko napakaswerte ko. Sa bahay na nga lang ako sya pa nag aasikaso at nagpoprovide ng needs ko khit nagwowork sya. Tingnan mo na lang mumsh yung mga effort na ginagawa nya instead na magconcentrate sa negative. Kausapin mo din sya ng maayos sa nararamdaman mo or kung may gusto ka ksi di nman tlga sila manghuhula. Pray harder din po. Para din hindi ka maboring, maglist ka na lang ng mga needs ni baby. Tapos tingnan mo sa mga online shops. Mabibusy ka na nun mageenjoy ka pa. Linis ka ng bahay or mag ayos ng gamit o magtanim. Keep yourself busy. Dun na lang gamitin ang energy instead na magalit ka. Masakit sa dibdib yun nasstress pati na din si baby tska yung asawa mo, give him a break sa pang aaway mo. Ienjoy natin ang journey ng masaya at positive🙂

Magbasa pa