3188 responses

kaya kong manganak sa dr nang ako lang pero after kong lumabas ng dr, kailangan ko ng kasamang mag aalalay sakin at mag aasikaso sakin. lalo na sa pagkain after ko manganak. nanginginig ang buong katawan ko after kong manganak sa panganay ko kaya alam kong di ko kayang asikasuhin ang sarili kong pagkain/snack sa hospital nang ako lang. mahalaga talaga ang may kasama at may nag aaruga habang naglalabor at after manganak.
Magbasa paYes. Dito sa 2nd ko, mag-isa lang ako. Nagulat na lang sila kinaumagahan, nanganak na ko. 😅 Nagtanong pa si tita ko kung saan ako pupunta, sabi ko jan lang. Di nila napansin na bitbit ko na lahat ng gamit namin ni baby. 2am ako nagpunta ng Lying-in pero 8:15am ako nanganak. 🙂
Kala ko hindi ko kaya e. Naglalabor ako iniwan ako ng nanay ko sa lying in kasi mas natataranta pa sya sakin 😅 lip ko stay in sa trabaho, nakarating sya sa lying in sakto na labas ni baby narinig nya nalang yung iyak 🤣 ftm here
Yes, kc during my first ecs ako lang sa operating room kasama ang mga doctor pero dream ko next pregnancy kapag manganak ako sana kasama sa loob si hubby para iwelcome naming dalawa ang aming pinakahihintay na rainbow baby😊🙏
hindi ko kaya. kasi nun nanganak ako nun, pinatawag ko pa mama ko na puntahan at tabihan ako sa panganganak. Sa kanya ako nakakuha ng lakas ng loob nun dahil asawa ko ayaw pumasok sa loob para samahan ako. 😊
yes first baby ko wala manlang umaalalay sakin ate ko ayaw naman papasukin.ng mga nurse kaya simula nun nag buntis ako sa second baby ko lying in na ako kasama kuna hubby ko 😅
Kinakaya ko now kahit mahirap. Wala asawa ko dahil joining as crew sa cruise. Mahirap din makahanap ng kasambahay lalo ngayon. Kakayanin hanggang makaraos.🙏
bakit naman hindi. lalo na ngayon hindi pwdi mag papasok ng kahit sino sa dilivery room kundi ikaw lang maglalabor mag isa. sa public, ewan ko lang sa private
mas gusto kong di sya kasama pero nung nasa recovery room na ko naiiyak na ko kasi gustong gusto ko na sya makita
mama ko kasama ko nung nanganak ako...dahilan nunh partner ko,maglulunga daw ako pag andun sya...hahaha....




Shai. Arcel. Lenra. ❤️