stress

Sobrang stress dito sa bahay, nag aeay kami ng kapatid ko, 18 years old. Spoiled at selosa, nag sigawan at iyakan kami kasi di sya naawa sa mama namin. Gusto nya paretainer ngipin nya. Nakailang pangako pa kasi si mama kaso di nya maintindihan na may mas kailangan unahin at nagkataong sumasabay sa pangako . Sobrang nabastos na niya kami kaya nagalit na ko, nabato ko sya ng hikaw pero binato nya sakin ay Cellphone nya at natamaan yung tyan ko at nabasag cellphone nya. Ngayon ipagawa daw namin. Di niya naiisip mga sakripisyo namin dahil yung perang binabayaran ng mama ko nung naospital sya ay binabayaran nya. Dahil lang sa di namin pagbigay ng gusto nya namuntikan na ko atakihin kanina tiniis ko lang kasi ayoko mag alala mama ko. Di ako pwede mananahimik dahil sobra na eh. Sakit pa ng ulo ko dahil nagrereview ako for board exam at sa linggo na yun. Di ko na alam gagawin ko, naawa na ko sa nanay ko. Malapit na ko manganak wala kami ipon nagalaw. Kanina pinangbayad namin sa inutang nyang cellphone dahil kami ay kinukulit eh. Mahal ko ang kapatid ko kaya kahit anong pilit nilang ipadswd yan noon pa ayoko talaga. Kahit nanay ko ayaw. Sabi nya kaya raw sya nagkakaganon ay dahil sa amin puro mali daw nya napapansin. Di daw namin naapreciate ginagawa nyang mabuti. Kaso paano? Di sya natuloy ng pagbabago. Babae pa naman din sya, bigay sa kanya ang lahat. Pagod na kami umintindi pero tinutuloy pa din namin kasi pamilya namin sya eh.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din bunso naming babae. Grabe sa pagka maldita. Naispoiled kasi. Hingi ng pambili ng damit sa Forever 21, pabili sa nanay namin ng makeup nya, iPhone nya, milktea, samgyup. Lahat na ata. Feeling mayaman ang bruha. Pinagaral pa sa private school. Samantalang tayong mga panganay tiniis lahat ng hirap ng bata pa tayo. Simula bata ako public ako nagaral at 50pesos na pinakamalaking baon. Naglalakad pa pauwi at iisa lang ang uniform. Tapos sila pa tong maattitude. Nagulpi ko nadin ung kapatid ko. As in sabunutan kami. Di ko nakayanan ugali. Ako na lumayas samin. Ayaw sawayin ng magulang ko eh, kampi pa sila ng nanay ko.

Magbasa pa
VIP Member

wag maxado ma stress baka maapektuhan kayo ni baby. Pray lang na hipuin ni Lord yun sister mo at magbago na xa.πŸ™πŸ™πŸ™ Take care and goodluck sa exam mo. God Bless you n ur family.

5y ago

tama po yun. basta pag pray nu lang xa lagi. magiging ok din ang lahat. In Jesus Name!πŸ™πŸ™