nalulungkot ako

Sobrang konti lang lumalabas na gatas sa akin. 9 days na after ako manganak. Sinubukan ko mag pump para makita ko gano kadami gatas ko kahit 1 oz di pa umaabot. Ano dapat ko gawin? Naiinggit ako sa ibang mommies na dami mag produce ng milk ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi lpo ibig sabihin na less 1 oz po napump mo ibig sabihin ganun na po karami nadedede ni baby. Hand expression po ang advisable na gawin po instead of pumping until 6 weeks si baby. Prone sa mastitis pag nagpump in less than 6 weeks. Tsaka pwede ka mag over supply. Maliit palang po tummy ni baby since 9 days palang po kaya kung gano karami milk mo yun palang need ni baby. Pero continuous intake po kayo ng nga mainit na sabaw. Pwede din po kayo maglaga ng dahon ng malunggay and gawing tea. M2 malunggay drink nabibili sa andoks. Mega malunggay capsule meron sa mga drug store. Nood po sa youtube how to massage breasts and how to hand express. Unli latch din po and skin to skin contact kay baby.

Magbasa pa

FENUGREEK MOMMIE AND MORE VEGGIES SOUP . . CGURADONG MAG KAKAGATAS KA NYAN . . BUMILI KA NG ISANG BUNDDLE NA MALUNGGAY ILAGA MU LANG PO LAGYAN MU NG KONTING TUBIG . .UN ANG KAININ MU . .MAY MGA LIST PO AKO NA MAKAKA2LONG SA PAG PRODUCE NG MILK . . - MALUNGGAY SOUP - HALAAN/TULYA WITH MALUNGGAY - GINATAANG MANOK WITH GREEN PAPAYA AND MALUNGGAY - GINATAANG MUNGGO WITH MALUNGGAY (DILIS) PO ANG IHALO MU INSTEAD NA KARNE. MOMMIE MURA AT MADALI LANG PO YAN HANAPIN, CGURADONG MAG KAKAGATAS KA PO NYAN . . BELIEVE ME 2DAYS PA LANG PO AQ AT THAT TIME NASA HOSPITAL PA AQ PERO ANG GATAS Q HND NA KAYANG UBUSIN NG BABY Q . . KAPAPANGANAK Q LANG DIN PO..

Magbasa pa

Hndi po sukatan Ang napump na konting milk para sabhn na hndi sapat Yun sa baby nyo. Ako Nung time mo halos Wala ako napump pero as.long.pag pinisil ko boobs ko at meron sige lang ako sa breast feed. Ngayon 1month & 5 days na si baby Ang napupump.ko lang 20ml lang pero Alam ko nasasatisfy sya. Mas madami Kasi Ang nasisipsip nya kaysa sa napupump natin. So don't worry momshie. Carry Lang Yan. Mas malakas pa.milk supply mo saken Kung tutuusin. So don't worry much your doing good.

Magbasa pa

Ganyan lang po sa una pero eventually dadami din yan 😊 Eat lots of soup na may malunggay or kahit anong ulam lagyan ng malunggay hehe tapos oatmeal din nakaka-help makadami ng milk. Take din malunggay capsule, kung hindi effective yung natalac try mo yung life oil kasi yan talaga nakapag palakas ng gatas ko at madami akong reviews na nakita na mas effective talaga yan compared sa natalac 😊

Magbasa pa
VIP Member

ganyan din ako nung una sis. naiiyak nga ako kasi si lo ko napadede ko sa ibang nanay kasi sobrang konti ng lumalabas sakin. ayon pinagpray ko lang then more sabaw nagpump ako ng nagpump hanggang sa dumugo na. ayon nagkagatas din ako. tapos bote bote na napupump ko. sobrang tulo pa ng gatas ko. hehe Positive lang ganyan lang sguro talaga sa una 💛

Magbasa pa
VIP Member

Wag pa stress Mamsh nakaka-affect sa production ng bm yan.. Wag po mainggit sa ibang Mamshie.. Unli latch lang po and feed on demand.. Based po sa mga nababasa ko after 6 weeks of giving birth pa Mag stabilize ang bm.. Kaya yan mamsh.. 😊

Our boobies will produce milk as demanded by our babies.. Blessed lang talaga ung mga bumabaha ang bm.. Pero maliit palang po kc ang stomach ng mga babies..basta have a regular interval of latching or pumping.. Just forgot if its every 2 or 3hrs..

Super Mum

Don't stress yourself it can affect your supply. Continue mo palatch si baby, eat soupy dishes and add malunggay leaves, take malunggay capsules and keep yourself well hydrated, and believe that your body can produce milk for your little one..

Okay na po yan mamshie.. maliit palang tiyan ni baby.. maliit palang milk na need niya.. lage niyo lang po padede.. maynakukuha yan sila milk.. makikita niyo naman sa dami ng diapers na pinapalitan niyo po.

sa una lang yan Mommy, ganyan din ako before.. unli latch lang ka lang kay Baby, lalakas din yung milk mo. try mo habang naka- latch sya sa left mag pump ka nman sa right. 😉