Gusto ko na umayaw.

Sobrang hirap kung ako nalang ba lagi iitindi sa kanya feeling ko napa ka irresponsible nya . ika - 38w1d ko na advice ng ob ko mag lakad lakad na daw ako sinabi ko naman na sa LP Ko un pero wala man lng pag kukusa gumising ng maaga sisihin pa ko bkit hindi ko daw sya ginising . sa buong journey ng pregnancy ko wala man lang ako nakitaan sa kanya ng pag ka excite or tulad ng ibang daddy pakiramdam ko wala talaga sya pakielam sa amin / akin . ang dahilan nya sakin stress daw sya lagi. any advice nmn po kung makikipag hiwalay or separate muna kmi pag na nganak na ako nakatira po kse ako now sa inlaw ko pakiramdam ko din nmn gnun pa din kme pag nanganak na ko .

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung may ftm na hindi alam ang gagawin, may ftd din. Yung asawa ko sa first pregnancy ko ganyan din. Akala ko wala syang pakeelam sakin. Hindi sya gumigising pag ginigising ko sya ng madaling araw kapag may masakit sakin. Hindi nya ako naiintindihan sa mga kaartehan ko pag emotional ako. Yun pala stress din sya. Stress sya kakaisip kung paano mairaraos yung panganganak ko lalo sa financial needs namin. Hindi ko alam na may sideline pa sya para madagdagan yung pera namin. Maganda ang work ng husband ko, supervisor sa law company pero kinakapos parin pala kami hindi nya lang pinapaalam. Pagod pala sya physically and mentally kaya hindi nya ako maasikaso minsan. Kailangan inaalam din natin yung kalagayan ng asawa/partner natin. Madalas kasi puro assumptions lang ang meron tayo at wala tayong alam sa nararamdaman nila kasi nga naka focus tayo sa pagbubuntis natin. Now sa 2nd pregnancy ko napansin kong may malaking pagbabago. Alam nya na lahat ng dapat gawin kasi napagdaanan na namin. Wag hiwalayan ang unang isipin nyo kapag nahirapan kayo sa relasyon. Unahin natin palagi yung para sa anak natin. Baka kasi mahal naman kayo ng partner mo pero hindi nya lang ma show pa or hindi nya pa alam kung paano ipapakita. Malalaman mo naman kung mahalaga kayo pagka labas ng baby nyo. Magusap lang kayo palagi. Mahalaga ang communication sa relasyon. And always ask God for guidance. ๐Ÿ˜˜

Magbasa pa
TapFluencer

We almost have the same situation. 40 weeks na ako ngaun.. No signs of labor. Hindi ako masyadong nakapaglakad-lakad due to thrombosed hemmoroids.. Alam ni hubby ko un so he expect any intervention na pwdeng mangyari, that includes CS kasi nga hindi bumubukas cervix ko. Mabigat din ang pinag-daanan nya nitong last few weeks. Na-ospital tatay nya at need ng financial na tulong. Yung perang tabi ko sa panganganak nabawasan kasi pinapadala sa magulang nya pang-gastos sa ospital. He tells me that he is so stressed. Syempre pati ako stressed kasi nga yung gastusin tumutulong ako. But hr always tells me na sya na mag-iisip at wag ko daw pagurin sarili ko kakaisip sa problema. It's so nobel of him. Nabilib ako. Although may tampo ako kasi nga di ako naasikaso pagdating sa concerns ko, nakita ko na may care sya sa akin. Try to speak with your hubby. He should understand what you are going throgh. Nevertheless hindi naman sya ang manganganak, ikaw. So he should at least try to comfort you this last few days of your pregnancy.

Magbasa pa

Naalala ko nung nagbubuntis ako sa panganay ko, walang pakialam sa akin asawa ko. Nakukuha nya pang makipag inuman sa mga barkada nya habang ako nasa bahay lang mag isa tapos uuwi sya madaling araw na. Kapag umaalis kami, hindi nya manlang ako inaalalayan. Pag naglalakad kami palagi syang nauuna sa paglalakad. Kahit sa pagsakay sakay sa jeep di ko naranasan na alalayan nya ko. Sa pagbubuhat ng timbang may tubig di nya ko tinutulungan kahit ang laki na ng tiyan ko. Palagi nalang akong umiiyak nun. Pero natiis ko lahat yun. Hanggang sa nanganak ako. Nag iba ihip ng hangin ng makita nya anak namin. Bigla syang nagbago. Halos di na nya kami maiwan sa bahay namin. Kung pwede nga lang di na sya magtrabaho makasama nya lang kami. Try mo lang din momsh baka pag nakita nya na si baby nyo magbago din sya โ˜บ๏ธ

Magbasa pa

alam kung emotional ang buntis beacause I've been there pero try to be open minded, kung stress ka at stress din siya sinong makikinig? sinong mag aadjust? Note: babae po ang nagdadala ng relationship kung ang babae umayaw na tapos na ang relation,pero kung ang babae lumalaban pa may pag asa pa. my point is try to understand him and talk to him. clear your mind be postive and be brave. hindi po solution ang pag hihiwalay. kung hindi mo siya maintindihan ngayon look at the positive way and try to put yourself in his situation and understand. remember "communication is key to better relationship" Goodluck momshie Godbless!

Magbasa pa

mamsh ipagpray u po na bigyan ng kalinawan ang hubby mo..ang asawa ko po kasi ndi sya showy pero gusto nya tuwing off nya saka kmi punta sa OB pra kasama sya..yung unang ultrasound ko nga nasita sya nung isa kasi vinivideo nya ung nsa monitor eh bawal po pla..hehe ntutuwa lng po ako ksi kita ko po na excited sya pra kay baby kahit second baby n nmin..sa case u nman mamsh pag usapan nyo ng maayos bka po pareho kayong high pitch..kung need u po na ipaunawa sknya eh gawin mo po..sbihin mo po usap muna kau ng masinsinan.wla pong problema ang ndi naaayos sa mbuti at maayos na pag uusap..

Magbasa pa

ang skin nman po 35 weeks n ko preggy pero d mn lng mgkusa pgbili ng gmit ni baby..pg cnsbi ko ska n lng rw pag manganganak na..tas sbi ko bili kmi bag lgyan ng gmit pra nkready n sbi nya my maleta nman daw un n lng gmitin..grabe prang d xa excited..tas ngorder aq thru ol ng gmit ni baby sbi ko ung tig 6pcs kkunin ko sbi nya ok n dw ung 3 pcs pg kulang ska n rw bumili pg lumabas na..pero kung bbili xa ng dmit nya khit tig 1k ok lng iddahilan lng wla n rw xa dmit..cnbihan p aq pera nman dw nya un

Magbasa pa
5y ago

oo nga mas inuuna pa nila. tulad nyan di ko naman sya nakkasama pag check up ni hindi man lang mag tanung kung kmusta si baby kme ?. halatang walang paki elam .

sis,hindi niya kailangan idahilan na stressed siya blessing si baby bakit pati kayo nadadamay sa pagka stressed niya which is hindi naman dapat diba??dun sa kung makikipag hiwalay ka ba ikaw lang ang makaka sagot nun,kung ano yung alam mo na mas makaka buti sainyo ni baby dun ka, kailangan ng extra care ng buntis hindi ka dapat nag papaka stressed sa kanya kasi hindi naman nun mababago yung pagiging irresponsible niya kayo lang ni baby yung ma aapektuhan,

Magbasa pa

Maraming lalake na hindi showy. Pero iba na pag nararamdaman mo nang wala sya care sa inyo. Dapat alam din nya kung pano mag alaga ng buntis, super sensitive ng mga buntis kaya dapat total support sa lahat ng gusto. Kaso momsh parang sya pa ang kelangan mong alagaan which is wrong. Lalo pa malapit kana manganak. Dun kana kaya muna sa family mo esp sa mother mo for sure mas maaalagaan ka nya.

Magbasa pa
5y ago

un na nga mamsh eh ako pa tong nag aalaga sa kanya

VIP Member

Mommy, alamin mo kung bakit sya stressed. Baka naman sa work? Ako kasi kapag wala sa mood asawa ko, hindi ko rin naman pinipilit gawin niya un mga maisipan kong gawin. Tinatanong ko siya kung may nangyari ba sa work bakit parang wala sya sa mood or mainit ulo niya. Hindi lang nararamdaman natin ang mahalaga, pati rin mga asawa natin. Kausapin mo nalang ng maayos

Magbasa pa
VIP Member

Kausapin mo sya ng maahos. Try mo sabihin na dun ka muna sa parents mo kung lagi syang ganyan, sabihin mo saknya na hindi mo nararamdamang natutuwa sya na magkakaanak na kayo. Communication is the key, hindi ka naman owedeng makipaghiwalay basta basta kase baka pagsisihan mo din yun in the end.

5y ago

kinakausap ko na naman sya pero paramg makikinig sya pero ilalabas nya lang din sa kabilang tenga nya